00:00Inilabas na rin ng International Criminal Court o ICC ang warrant of arrest laban kay Sen. Bato de la Rosa.
00:06Pero si Sen. Bato, nananatili sa protective custody ng Senado, ang detali sa report ni RR Tobisi.
00:15Matapos ang ugong-ugong na Peque Humano, ang arrest warrant na ipinakita ni dating Sen. Antonio Trillanes
00:21laban kay Sen. Bato de la Rosa, binasag na ng ICC ang kanilang katahimikan.
00:26The arrest warrant was originally issued as secret on the 6th of November, 2025.
00:34Mr. de la Rosa is alleged to have committed the crime against humanity of murder
00:39at least between the 3rd of July, 2016 and the end of April, 2018,
00:47during which no less than 32 persons were killed in the Republic of the Philippines.
00:52Sa warrant, nakasaad na may criminal responsibility si de la Rosa bilang indirecto perpetrator sa war on drugs
00:59ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:01Sinabi ng ICC na may sapat na ebidensya ang pre-trial chamber na sangkot ang Senador sa umunay planong pagpatay
01:07ng mga hinihinalang kriminal kabilang ang mga iniuugnay sa illegal na droga.
01:12It is now for the national authorities to arrest and surrender the suspect to the ICC.
01:19Pero bago yan, mainit ang naging tagpo sa labas ng Senado.
01:23Si NBI Director Attorney Melvin Matibag,
01:25muntikan pang makairingan ang mga taga-suporta ni de la Rosa at dating Pangulong Duterte bago makapasok.
01:31Ang ilan namang taga-suporta ng Senador at ang dating Pangulo,
01:35sinabuyan ng tubig at sinigaw-sigawan pa ang mga sasakyan ng empleyado ng Senado na papalabas ng gate.
01:40Pinilit din nilang iharang ang kanilang sasakyang may speaker,
01:43pero napigilan din sila ng PNP,
01:46habang si de la Rosa ay nananatili sa loob ng gusali ng Senado.
01:50RR2B, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments