00:00Sa ibang balita, nilinaw ng World Health Organization na hindi tulad ng coronavirus disease
00:05ang hantavirus na kumalat sa isang cruise ship na nakaangkla sa Canary Islands sa Spain.
00:10Ayon sa WHO, mababa ang banta na kumalat ang sakit sa populasyon ng Spain.
00:15Handa naman daw ang Spanish Government para mapigil ang pagkalat nito.
00:19May WHO expert din na nakatalaga sa mismong barko.
00:23Sa kasalukuyan, walang simptomatic na pasahero sa barko.
00:26In-recommend rin ng WHO na isa-ilalim sa 6 na linggong active monitoring
00:31ang mga pasahero ng barko mula sa simula ng exposure.
00:35Ayon sa Department of Migrant Workers, 4 na Pinoy ang nag-repatriate pa Netherlands kahapon
00:40at 20 naman ang nakatakda ngayong araw.
00:43Doon sila isa sa ilalim sa quarantine.
00:46Ang 14 pang iba na crew ng barko nakatakda namang isa-ilalim sa quarantine
00:50kapag nadala na sa Rotterdam, the Netherlands ang nasabing barko.
00:54Makakabalik sa bansa ang mga Pinoy pagkatapos ng 6 na linggong quarantine period.
Comments