00:00Ngayong araw, magpupulong ang mga leader ng mga bansa sa Southeast Asia sa 48th ASEAN Summit sa Cebu.
00:07Sa pagbubukas po ng summit, binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang kahalagahan ng kooperasyon.
00:13May ulot on the spot si Ivan Mayrina.
00:15Ivan?
00:20Yes, Connie, katatapos labang ng ASEAN Summit plenary kaninang alas 10 ng umaga,
00:25pero magkakaroon pa ng retreat, leaders retreat, pasado alauna na yung hapon.
00:30Pero bago yan, isa-isang sinalubong ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Luis Araneta Marcos
00:35ang mga leader ng mga ASEAN Member States sa Welcome Ceremony sa Maktan Expo dito sa Cebu,
00:40bagong opisyal na pagsisimula ng summit.
00:43Ang tema ng summit ngayong taon o chairship sa chairship ng Pilipinas o paumunong ng Pilipinas,
00:48Navigating Our Future Together.
00:50At ang tema ng ito, nataon sa pagharap ng bawat bansa sa ASEAN region sa epekto ng oil crisis,
00:56bunsod ng gyera sa Middle East.
00:58Sa kanyang talumpati sa pagubukas ng summit, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na higit na mahalaga
01:02sa mga panahon ito ang kooperasyon para tugunan ang uncertainty o yung kawalan ng katiyakan
01:08bunsod ng mga pangyayari sa ibang bahagi ng mundo.
01:11Layon ng mga magaganap na pagpupulong, napag-aralan ng mga adjustment na ginawa ng bawat bansa
01:16at tingnan kung ano ang mga best practices.
01:19Nauna riyan kahapon, ilang side meetings na rin ang ginanap.
01:22At isa sa mga highlight nga ay ang naging trilateral meeting na ipinatawag ng Pilipinas
01:26bilang ASEAN share kasama ang mga Prime Minister ng Thailand at Cambodia.
01:30Ang resulta ng pulong, nagkaso doon mga leader ng bansang Thailand at Cambodia
01:33na gumawa ng mga hakbang para pahupain at maghanap na mga pamamaraan
01:38para sa pangmatagalang kapayapaan.
01:40Simula kasi nitong nakaraan taon, sumiklab na sa bakbakan sa agawan ng teritoryo
01:44na magkapitbahay ng bansang Thailand at Cambodia
01:47kung saan daan-daan nang namatay at daang libon nang nagsilikas.
01:51Inatasan ng dalawang bansa, ang kanikanilang Foreign Affairs Ministers
01:55na paitingin ang ugnayan at maghanap ng mga konkreto at praktikal na hakbang para sa kapayapaan.
02:00Ang Pilipinas naman bilang tagapamagitan ang siyang magmonitor at titiyak
02:04na natutupad ang mga kasunduan.
02:07Mahalaga ko niyong resultang ito, lalot ang kooperasyon at pagtutulungan ng ASEAN
02:11bilang isang regional bloc ang isinusulong para sa mas efektibong pagtugon
02:15ng mga miyembro nito sa epekto ng gera sa Middle East.
02:19Isa pang naging pulong ni Pangulong Bongbong Marcos ay kay Vietnamese Prime Minister Le Minh Hong,
02:24nagkasundong dalawang leader na magtatag ng pangmatagalang rice trade mechanism
02:28na titiyak sa supply ng pagkain ng Pilipinas at Vietnam.
02:33Napag-usapan din ang kooperasyon sa pagsawata sa transnational crime,
02:37kabilang mga scam hub at human trafficking at ang pagtutulungan para isulong ang turismo.
02:44At ikatlo, ang naging pulong kasama ang mga leader ng Brunei Darussalam,
02:47Indonesia, Malaysia o ang BIMP Iyaga o BIMP East Asia Growth Area.
02:53Ito naman, layong pagtulungan iyangat ang mga piling remote areas ng bawat bansa.
02:57Para sa Pilipinas, ito ay ang Mindanao at ilang bahagi ng Palawan,
03:00partikularo sa larangan ng agrikultura at infrastruktura.
03:05Pero ngayong araw, Connie, ang ikang main event kung saan magaganap ang leaders meeting.
03:10At sa araw nito, inaasahan maglalabas ang statement ng ASEAN bilang isang regional block
03:14na magdedetalyan ng mahakbang para sa mas maayos sa pagtugon sa oil crisis na nalikha
03:19ng gera sa Middle East.
03:22At ikang nila kahapon sa Foreign Affairs at Economic Managers meeting,
03:25magkakaugnay ang problema ng ASEAN kaya kailangan nagkakaisa rin ang tugon
03:30para sa pagharap dito.
03:32Isa pang inaantabayan ng ngayong araw, Connie, ay ang press conference
03:35kung saan haharap mismo si Pangulong Bongbong Marcos.
03:40Connie.
03:40Marami salamat, Ivan Mayrina.
Comments