Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Alamin ang mga dahilan kung paano nabuo ang ASEAN | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Exclusibong na interview ng PTV ang historian si Prof. Shao Chua.
00:05Sa kanyang panayang, binalikan ng historian kung paano nabuo ang ASEAN
00:08at bakit mahalaga ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba
00:13ng mga bansa sa Timog Silangang Asia.
00:15Ang detalya sa report ni Sheila Natividad.
00:21Sa kabila ng maraming pagkakaiba sa wika, reliyon at kultura
00:26ng mga bansa sa Timog Silangang Asia,
00:28may isang bagay na nagdurugtong sa mga ito,
00:31ang pagkakakilanlan na pinagbuklod sa iisang rehyon.
00:35Para sa Filipino Public Historia na si Prof. Shao Chua,
00:38malaki ang epekto ng kasaysayan ng kolonyalismo
00:41sa pagtingin natin sa sarili bilang mga Pilipino
00:44at bilang bahagi ng Southeast Asia.
00:47Mahalaga yung pagtingin natin sa association natin
00:52with our neighbors, Southeast Asia.
00:55Kaso pagkasabihin mo na makikipag-alyansa tayo sa mga kapidbahay natin,
01:03kung nakikita natin na parang wala tayong communality,
01:06mahirap makipagkaisa.
01:09Mayroon din anyang pagkakataon noon na kinilala ang mga bayaning Pilipino
01:13tulad ni Nagat Jose Rizal at Andres Bonifacio.
01:16Kwento ni Prof. Shao, si Rizal at Bonifacio ang mga tumindig noon
01:20laban sa kolonyalismo.
01:21Ang Pilipinas din kasi anya ang pinakaunang konstitusyonal
01:25at demokratikong republika sa Asia.
01:28Dahilan kung bakit maging ang mga Pilipino
01:30ay bahagi ng pagkakatatag ng ASEAN.
01:32Pero sa kabila ng mga pagkakaiba,
01:34naniniwala rin anya ang mga istoryador
01:36na may mas malalim na ugat ang pagkakaisa ng mga bansa sa ASEAN.
01:40Kaming mga historians, ang sinasabi namin,
01:42namin yan yung Austronesian identity natin.
01:45So, ibig sabihin, bago pa dumating yung Europeans,
01:48thousands of years ago,
01:50yung mga wika dito sa Southeast Asia
01:52at yung mga kultura dito sa Southeast Asia,
01:54nagmula siya sa ating mga ninunong Austronesian.
01:58So, kaya ang malakas sa identity na yan,
02:01yung common maritime culture.
02:04May pinagsasaluhan tayong dagat.
02:06Ayon pa kay Prof. Shao,
02:07ang common maritime culture din ang naging inspirasyon
02:10ng ASEAN 2026 logo na binubuo ng apat na core elements.
02:14Ang burda, tangkay ng palay, alon at balangay.
02:19Dagdag pa niya, magandang simbolismo ang bangka ngayong ASEAN 2026
02:23dahil noon pa man ay may ugnayan ang mga bansang sakop ng ASEAN.
02:27Kung baga, yung ginagawa natin sa ASEAN,
02:30pagpapatuloy na lang yun.
02:32Noong matagal na nating sinimulan na ugnayan,
02:35ng mga ngayon na itinatawag natin Indonesia, Malay, Thai,
02:40at iba pang mga lahi dito sa ating geographic area.
02:47Pero hindi rin maikakailang maraming pinagdaanan
02:50ng mga bansa sa Timog Silangan
02:52bago opisyal na mabuo ang ASEAN.
02:54Pagbabahagi ni Prof. Shao,
02:55matapos kasi ang ikalawang digma ang pandaigdig,
02:58isa sa mga pangunahing hangari ng mga bansa sa rehyon
03:01ang maiwasan ang panibagong sigalot na katulad nito.
03:05Kaya noong taong 1967,
03:07nilagdaan ang mga foreign ministers ng Pilipinas,
03:10Indonesia, Malaysia, Singapore, at Thailand
03:13ang Bangkok Declaration
03:14na siyang nagsilbing pundasyon ang samahan ng mga bansa.
03:29Nang mabuo ang ASEAN,
03:31naging tulay na ito sa pagitan ng mga bansa
03:33para sa mas maraming oportunidad
03:35sa edukasyon kung saan mas pinadali ang pag-aaral
03:39sa mga bansang kabilang sa Southeast Asia
03:41at maging sa ekonomiya,
03:42kung saan may kooperasyon na
03:44para sa mas pinabilis na daloy ng kalakalan.
03:46Hindi lang ito diplomasya,
03:49hindi lang ito ugnayan ng mga leader.
03:53Ang pagkakaroon ng ASEAN
03:55at pagiging miyembro ng ASEAN
03:56ay tungkol sa kaginawaan natin.
03:58Yan ang tatandaan natin.
04:00Ngayong ASEAN 2026,
04:02bahagi ng layuni ng mga bansa
04:03ang pagbuo ng isang mas matatag
04:05at inklusibong rehyon,
04:07isang tahanang nakasandig sa pagkakaisa,
04:10kooperasyon,
04:11at sama-samang pag-aangat
04:13ng antas ng pamumuhay
04:14ng bawat mamamayan.
04:16Shilan Natividad
04:17para sa Pambansang TV
04:19sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended