00:00Isinusulong ng Meralco ang paghihigpit sa mga rooftop solar installation.
00:06Na posibleng mo nung magdulot ng sunog kung hindi maayos na magawa.
00:10Kit naman ang isang grupo, kanapatan ng consumer ang maghanap ng alternatibo ngayong mahal ang kuryente.
00:18Nakatutok si Maris Umali.
00:23Taong 2023 pa raw nagpa-install ng mga solar panels sa kanilang tahanan si Orly.
00:28Malaki raw kasi ang maitutulong nito sa pagbabawas ng malaki niyang bayarin sa kuryente.
00:33Before, ang cost ng electricity namin nasa around 15,000.
00:38Pero nung naisol namin yung solar, naglalaro na lang siya ng mga 9,000 to 11,000.
00:44Kaya malaki yung aming natitipid sa paggamit ng solar power.
00:48Sariling sikap lang daw ang pagpapakabit nila ng solar.
00:52Na noong una, para raw sa pansariling konsumo lang.
00:55Pero kalaunan ay tulong na rin daw niya ito sa komunidad.
00:57Gaya nitong tinayo niyang libreng charging station.
01:01May ilang bahay na rin daw sa komunidad ang nilagyan nila ng mga solar installations.
01:05Kaya hindi siya sangayon sa panawagan ng Meralco na magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon at technical standards para sa
01:12mga rooftop solar installations.
01:14Karapatan ng consumer na magpumili kung anong klase ng sources of energy ang gusto niyang gawin.
01:22Ganito rin ang sentimiento ng Power for People Coalition.
01:24Walang otoridad doon ng Meralco?
01:27And the Senate and the government should not provide those powers to Meralco.
01:33Paliwanag ng Meralco, hindi nila hinihiling ito para pigilan ng mga residente na maghanap ng alternatibo at mas murang source
01:40ng kuryente.
01:40It's primarily a safety issue.
01:43Isang maling instalasyon may result to accidental fire.
01:51Ayon kay Zaldariaga, may mga naiulat ng insidente na sunog at diligtas na installation dahil hindi sumunod sa tamang safety
01:58standards.
01:59Dagdag pa niya, karamihan sa mga tinutukoy na guerrilla installations ay walang mga kaukulang permit at safety inspections mula sa
02:06mga lokal na pamahalaan.
02:07Nandito kami para tumulong na umusbong itong mga rooftop solar installations as long as it is done properly, safely, and
02:20in consonance with government regulations.
02:23We vehemently oppose yung ganoong terminology that was used by Meralco pertaining to yung mga initiatives ng mga households para
02:35mag-reduce ng kuryente nila na term as guerrilla to fend off high prices of electricity coming from Meralco.
02:44Sa kasalukuyan ay saklaw ng lokal na pamahalaan at mga existing building at electrical codes ang usaping pangkaligtasan, bukod pa
02:52sa regular na monitoring para sa fire safety ng Bureau of Fire Protection.
02:57Kaya sabi ng Power for People Coalition, hindi na raw kailangan ng dagdag na regulasyon.
03:01Binigyan din din na dapat pang hikayatin ang pamahalaan ng paggamit ng solar energy sa halip na higpitan nito, lalo
03:08na sa gitna ng mataas na singil sa kuryente.
03:10Bagay na, sinangayuna naman ng Meralco.
03:13Tama po yun. And at the end of the day, we support customer access to renewable, cost-efficient solar facilities.
03:22Hindi po kami narito para tulad ng P4P na pahirapan yung mga customers.
03:32If that would be detrimental, we will definitely go to court to make sure that electric consumers are protected.
03:41Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Comments