00:00Laging handa ang Philippine National Police na magbantay at mag-atid ng tulong sa ating mga kabahayan na naapektuhan ng
00:06pag-alburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.
00:08Sa katunayan, nasa probinsya na ang mobile unit ng PNP na may high-powered lighting na pwede magamit kapag may
00:15operasyon kahit na gabi.
00:17Si Ryan Lesiquez sa detalye.
00:22Walang tulugan ang Philippine National Police o PNP sa kanilang pag-alalay sa mga lugar na naapektuhan matapos ang pagputok
00:29ng Bulkang Mayon sa Albay.
00:31Mula sa pagpapalikas sa mga nakatira sa 6-kilometer permanent danger zone, pagbibigay siguridad sa mga evacuation centers,
00:39abala din ang ilang tauhan ng PNP sa paglilinis at clearing operations sa mga ibinugang abo ng bulkan.
00:46Layo nitong matiyag na ang mga sasakyang pang-emergency at mga convoy ng relief ay may tuloy-tuloy na akses
00:53sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall.
00:56Kabilang sa mga lugar na pinagtutuuran ng pansin ng mga pulis ay ang ginubatan, ligaw at kamalig sa Albay.
01:04We are working on it in order to secure, assist our kababayan who are affected in this ashfall.
01:13Bukod sa manpower, nasa probinsya na din ang mga mobile unit na may espesyal na kagamitan para sa search and
01:20rescue at high-powered lighting para sa operasyon sa gabi.
01:23It's not only about the ashfall but months before this ashfall, tuloy-tuloy na po yung pulis natin na nagpapatrol
01:32at tumutulong dyan.
01:34And the rest of the security assistance as well as public safety assistance na ginagawa ng PNP, patuloy po yan.
01:46Inatasan din ang hepe ng pambansang polisya, ang Police Regional Office 5 na panatilihin ang prosensya sa mga kalsada na
01:54nabalutan ng abo kung saan halos zero visibility ang lugar.
01:58Nakapagabot na din ang PNP ng 5,000 food packs para sa mga residente ng Ginubatan Albay.
02:04Batay sa pinakahuling tala, nasa isandaang barangay na ang apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon noong Sabado kung saan naabot
02:12na rin sa 200,000 individual ang apektado ng ashfall.
02:18Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments