Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maginahapon po, makapal na abo at nangamatay ng mga hayop at pananim
00:05ang tumambad sa mga residentes sa Albay dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
00:09Sa pag-ulan ng abo, nag-zero visibility sa mga kalsada.
00:13Libong-libong pamilya ang apektado.
00:16Nakatutok si Jonathan Andal.
00:20Dito pwede tayo mag...
00:22Ayun dito, grabe yung bilis.
00:26Karo tayo inahapon.
00:28Gumulat sa mga motorista sa Kamalig Bypass Road ang tila pader ng usok at abo
00:33nang mag-alboroto ang Bulkang Mayon.
00:36Ano, makabilis ng gabang guys.
00:39Si Yus Cooper Kenneth na nagja-jogging doon kasamang mga kaibigan, di malaman ang gagawin.
00:45Pag tingin namin sa likod, ang itim na po ng usok noon.
00:49Doon na kami nagmadaling tumakbon.
00:51While running, actually nag-iisip na po ako ng possible ways kung paano kami makakasurvive noon
00:56just in case na maabutan kami, parang tingin ko anytime, lalamunin na lang kami ng ash.
01:03Ligtas naman daw silang nakauwi sa tulong ng isang residente yung nagpasakay sa kanila.
01:08Maging sa daraga, tanaw ang ragasa ng napakalaking plume o usok.
01:14Natakpan na nga ng husto ang bulkan.
01:17Ayon sa FIVOX, umagos ang uson o pyroclastic density current sa southwestern slope ng bulkan na epekto ng lava flow
01:25collapse.
01:27Kinagabihan, halos hindi na maaninag ang paligid dahil sa ashfall.
01:32Nasa linya ka pa ba?
01:33Grabe, makakapalo na ang abo dyan.
01:35Sa kamalig bypass, ilaw na lang ng mga sasakyan ang tanaw.
01:39Hindi na kinayang alisin ng tubig ng bus ang kapal ng abo sa windshield.
01:44Wala na makita.
01:45Hindi kaya.
01:47Maraming tubig.
01:48Maging ang helmet ng rider na ito na balot ng abo.
01:52Grabe guys, ang alikabok.
01:53Wala na ang alaw, wala na makita.
01:55Tumulong na ang mga taga-LGU at BFP kamalig sa pagmando ng trapiko at pagalis ng abo sa mga daan.
02:01Nagtulong-tulong na rin ang mga residente na basain ang mga sasakyang balot ng abo.
02:05Namigay rin ang face mask sa mga residente.
02:07Sumabay rin sa ihip ng hangin ang ashfall.
02:10Kaya halos mag-zero visibility rin sa bayan ng ginubatan.
02:14Pati mga sasakyan at halaman sa paligid balot ng abo.
02:17Ang ginubatan ng MDRRMO na migay na ng face mask sa mga residenteng stranded sa labas.
02:22Ngayong araw, tumambad sa mga taga-ginubatan ang makapal na abo.
02:26Puspusa ng flushing operations ng mga otoridad sa mga pangunahing kalsada.
02:30Sa inisyal na tala ng MDRRMO, 41 barangay sa naturang bayan ang nabalot ng abo.
02:36Bogod sa ashfall, problema rin ang mga residente ang supply ng tubig sa lugar.
02:41Posible kasing kontaminado ang kanilang water source.
02:44Titingnan pa natin yung water source nila kung hindi pa apektado nitong ashfalls.
02:51Tumambad sa mga magsasakas sa barangay Anoling ang ilan sa kanilang alagang hayop na lapnos ang balat at balot ng
02:58abo.
02:58Grabe eh.
03:00Pati ang kanila mga pananim na sira ng abo.
03:02Ayon sa NDRRMCP, nakanapuruhan ng abo ng mayon ang ginubatan, kamalig at ligaw.
03:09Mahigit 30,000 pamilya ang apektado sa tala ng Office of Civil Defense.
03:14Nakahanda naman ng DSWD na magpabot ng tulong sa mga apektadong residente.
03:18Ayon sa FIVOX, kabilang ang ginubatan at kamalig sa mga karaniwang makararanas ng heavy o matinding ashfall out dahil sa
03:26mayon.
03:26Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
03:49Sa ibang balita, same day nakaw ang nangyari sa isang bahay sa Quezon City na sa loob lang ng isang
03:56araw, tatlong beses nilooban.
03:58Ang nahulikan na nakawan sa pagtutok ni Katrina Son.
04:05Alas tres ng madaling araw nitong biyernes, nang looban ng lalaking ito, ang isang bahay sa barangay Santa Cruz sa
04:12Quezon City.
04:13Dumaan sa main door ang sospek.
04:16Halingalinga siya habang sinisipat ang bawat sulok ng bahay.
04:20Maya-maya pa, ay umalis ito na bitbit na ang ilang gamit tulad ng laptop.
04:24Nakita ng may-ari ng bahay ang naturang pagnanakaw.
04:27Wala kasi kami sa house tapos nakita ko siya may entry ng 3 a.m. ng May 1.
04:38So yung around mga 8, umuwi ako tapos nakita ko yung doors namin, sira na yung door jam.
04:48Nakapasok na sila at may mga missing na ng mga gamit.
04:51Hindi nila inireport sa pulisya ang pagyayari at pumalis ulit ng bahay.
04:55Ang sospek, bumalik alas 7 na gabi at may kasama na.
04:59Pumasok sila sa butas na nakaabang para sa airport mula sa ikalawang palapag ng bahay.
05:05Natangay nila ang ilan pang mga kagamitan sa bahay.
05:09At sa ikatlong pagkakataon, muli silang bumalik maghahating gabi.
05:13Pero nag-alarma ang CCTV mula sa telepono ng biktima.
05:17Kaya agad na siyang nag-report sa pulis.
05:19Nung mga 11 plus, nakita ko kakapasok lang nila, natyempohan ko.
05:26Tumawag na ako agad sa pulis.
05:298 minutes, 7 minutes pa lang nandun na sila agad sa pulis.
05:32Tapos nandun na sila sa bahay.
05:35Natyempohan ng mga otoridad ang mga sospek na nagtatago sa isa sa mga kwarto sa bahay.
05:40Agad silang inaresto.
05:42Nakuha mula sa kanila ang ilang gamit na pantanggal ng turnilyo
05:45at ang vacuum na kanilang ninakaw.
05:48Umamin at panahingin ang tawad.
05:51Mangalak na po yung asawa niya kaya po nagawa niya.
05:53Niyaya niya po ako.
05:55Ano po sabi niya?
05:56May bubuatin lang daw po.
05:58Sa inisyal na investigasyon ng mga otoridad.
06:01May mga previous record to ng TEF,
06:04robbery at saka yung 9165.
06:06Kaya siguro yun ang means of living nila
06:12para masustentuhan nila yung paggamit nila ng droga.
06:17Maharap ang mga sospek sa kasong robbery.
06:20Katrina Son, nakatutok. 24 oras.
06:25Nananatiling aktibo ang Balkang Mayon at muling nagbuga ng abo ngayong araw.
06:29Ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ng mga tinamaan ng ashfall.
06:33Ang latest na sitwasyon sa Albay.
06:36Sa live na pagtutok,
06:37Beya Pinlang.
06:39Beya.
06:43Ivan Perwisyo sa ilang bayan dito sa Albay ang abo
06:47dahil sa nag-aalburotong Mayon Volcano.
06:50Delikado po sa kalusugan natin ang ashfall.
06:53Kaya doble kayod ang mga otoridad at mga residente
06:56para maalis ang abo.
07:02Nagmistulang desyerto ang ginubatan na Albay kasunod ng ashfall kahapon.
07:07Hanggang kaninang umaga,
07:09makulimlim at nabalot ng makapal na abo ang paligid.
07:14Ang mga palay na aanihin na sana ngayong linggo,
07:17hindi na mapakikinabangan.
07:20Malubha ang pinsalang dulot ng ashfall sa agrikultura ng probinsya.
07:25Hindi lang yung livesack, pati yung mga pananim.
07:27Lalo na yung mga palay.
07:29Ito ngayon ang medyo nag-a-worry ako dahil mataba na.
07:32Madali na yung nanihin.
07:35Ganito rin ang naranasan sa bayan ng Kamalig.
07:38Natabunan ng abo ang mga kalsada.
07:40Sasakyan.
07:42Motorista.
07:43Pananim.
07:44Pati mga hayop sa bukid.
07:48Bumuga muli ng abo ang Mayon ngayong araw.
07:51Humigit kumulang limampung barangay sa Albay ang apektado.
07:55Nanuot na sa mga bahay ang abo.
07:57Halos zero visibility pa rin ang ilang kalsada.
08:01Kailangan namin linisin kasi.
08:03Una-una, may pasyente po ako sa loob.
08:06Tapos may bata.
08:07Kailangan namin i-isolate yun.
08:09Linisin muna.
08:10Tapos, saka kami makakagalaw-galaw ng maigi.
08:14Mahigit sa 1,300 residente sa Kamalig ang inilikas ayon sa DSWD.
08:19Limang kalabaw at dalawang baka na ang namatay dahil sa ashfall.
08:23May ilan pang nawawala.
08:24Sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos,
08:27inikutan ngayong araw ni DPWH Secretary Vince Dizon
08:30ang mga bayan ng Albay na apektado ng ashfall.
08:33Hindi pwede yung gagigay lang sa tabi ng kage.
08:36Kailangan natin tanggalin.
08:38Kasi kung tatabi mo lang, titigas lang yan.
08:43Hindi mawawala yan.
08:43So, kailangan ginisin, tubigan, hakutin.
08:50Magdaragdag ng personel at mga truck ng bumbero
08:52para maklear ang abo sa kalsada at hindi na bumara sa mga kanala.
08:56Marapit na magtaguran.
08:59Ano yan?
09:00Bago pa tumigas ng parang simento yung ash na yan,
09:03kailangan i-clear na natin yung mga durelis.
09:06Deklag na natin.
09:07Nagbabayanihan ang mga residente para malinis ang abo.
09:10Nagpadala rin ng tulong ang mga kalapit na probinsya
09:13gaya ng Sorsogon at Camarines Sur.
09:15Nasa Alert Level 3 pa rin o magmatic unrest ang mayon.
09:19Bawal pa rin pumasok at lumipad sa 6-kilometer permanent danger zone.
09:24Strongly discouraged ang non-essential travel malapit sa bulkan
09:27batay sa abiso ng Department of Tourism.
09:35Eva, nakikipag-ugnayan ang provincial government ng Albay sa FIVOX
09:39para maaral kung dapat bang palawakin na yung danger zone sa Mayon Volcano
09:43at kung kailangan na bang magdeklara ng state of emergency.
09:47Ngayong araw po nakaranas ng panakanakambuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Albay
09:52na ayon sa mga otoridad ay makatutulong para mapabilis yung paglinis ng abo.
09:57Yan muna ang latest mula rito sa Kamalig, Albay. Balik sa inyo.
10:00Bea, yung sitwasyon ng pagbuga ng abo,
10:04nagpapatuloy ba rin ba ngayong araw at sa mga susunod na araw kaya?
10:08Yung mga normal activities, yung mga klase,
10:12yung mga pagbubukas sa mga establishmento,
10:14magpapatuloy kaya o kailangan mo nang suspindihin
10:17dahil malakas pa rin o marami pa rin ang ibinubugang abo ng bulkang mayon?
10:27Yung events, sa assessment ng FIVOX ngayong araw,
10:30nagpapatuloy pa rin yung pag-alboroto ng mayon volcano
10:33pero hindi na gaya nung kahapon.
10:36Suspendido na yung klase sa private at public schools
10:39sa ilang apektadong komunidad dito.
10:43Apektado rin yung mga hanap buhay,
10:44syempre gaya ng mga hotel dito sa Albay
10:47na nag-checkout na raw yung mga guests nila
10:51at hindi na nagpatuloy pa ng kanilang bakasyon dito
10:54dahil nga takot na rin sila na maapektuhan
10:57ng patuloy na pagbuga ng abo ng mayon volcano.
11:01Ivan?
11:02Mag-ingat kayo ng iyong team.
11:03Maraming salamat.
11:04Be up and luck.
11:06Mga kapuso, ngayon pong tag-init,
11:08hydration is key.
11:09Pero hindi daw lahat ng malamig na inumin
11:11makabubuti sa kalusugan.
11:13Ang payo po riyan na ma-experto sa pagtutok ni Darlene Kai.
11:20Ngayong umaabot na sa danger level ang damang init,
11:24paano mo ba tinitiyak na nape-preskuhan ka?
11:27Si Fedila, tatlong beses sa isang araw kong maligo.
11:30Sa umaga, tanghali gabi.
11:32Dami naman na eh.
11:33Ay, kailangan eh.
11:33Hybrid ya kasi ako.
11:34Si Joseph na tricycle driver, laging sumisilong.
11:38Sobrang init po talaga para tayong nasa riyan.
11:40Si Anjaneth, laging may baon na minifan.
11:43Kailangan parang, lalo na po sa panahon ngayon ang init, sobra.
11:47At sa iba, quenching thirst is the key.
11:50Laging may ininim na tubig para ma-relax ng kanta.
11:53Si Fernando, literal na todo kayod kahit nangangalay na sa pagkayod ng buko para sa tinda niyang buko juice.
12:00Halos doble po ang binta ko.
12:04Kaysa mga nakaraang araw na hindi pa po tag-init.
12:09Masarap sa pakiramdam after.
12:11Tapos nakakahydrate siya.
12:13Tapos compared sa soft drinks, syempre mas less sugar.
12:17Para paay ng mga eksperto, mahalagang hindi na de-dehydrate.
12:21Yung dehydration na yan, ang dahilan kung bakit nawuwalan ng malay,
12:25o kaya nagkakaroon ng problema sa parang inaantok ka,
12:28nawuwalan ng malay, hindi ka magising, hindi ka makaisip ng maayos,
12:32na isa sa mga sintomas ng ating heat stroke.
12:35Pero ika nga, not all drinks are created equal.
12:39No-no ang masyadong matatamis.
12:42At kung coffee or tea is life,
12:44sundan natin ng malinis na tubig.
12:46Kasi pagka-caffeinated, maaari tayong umihi ng mas madalas.
12:50Tawag po natin dyan diuretic.
12:52At mas matutuyuan tayo.
12:54Makatutulong din ang electrolytes o minerals
12:56para mabalansi ang pagtanggap ng katawan ng tubig at ibang nutrients.
13:00Ang buo ko juice ay inuming may natural na electrolytes.
13:03Pwede namang mag-do it yourself o DIY ng electrolyte drink
13:07gaya ng post ng Quezon City Health Department.
13:09Sinubukan namin yan ni Charmaine na tindera sa Karindiria.
13:13Malamig na tubig with lemon and pinch of salt.
13:16Cheers!
13:20Para sa akin ay refreshing siya.
13:23Di sobrang lasa yung asin.
13:27Pero kung ayaw mo ng tubig lang, pwede pwede ito.
13:30Ikaw ba?
13:31Refreshing siya.
13:32Pero hinay sa asin at asukal ha.
13:35Pag masyado tayo maraming asin kasi
13:37nagkakaroon tayo ng water retention
13:39or yung iba kabaliktaran para bang nahihirapan yung ating bato,
13:44yung ating kidney.
13:46The best pa rin daw uminom ng malinis na tubig
13:48na tumbas ang 2 litro kada araw o 8 hanggang 10 baso.
13:52Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
13:56Pasintabi po sa mga kumakain.
13:59Naputulan ng binti ang isang babae
14:01nang magulungan siya ng truck.
14:03Nabangga kasi ng truck ang sinasakit ng tricycle sa Maynila.
14:06Nakatutok si EJ Gomez.
14:11Ayun o, sa ilalim ng trailer o.
14:14Babae?
14:15Ayun o.
14:18Ayun o, sa ilalim o.
14:19Kuha ang video na yan sa Mel Lopez Boulevard,
14:22Barangay 18 Tondo, Maynila,
14:24Pasado alas 10 kagabi.
14:25Ayon sa otoridad,
14:27isang babaeng angkas ng tricycle ang nahulog.
14:30Matapos mabangga ng trailer truck,
14:32ang kanilang sinasakyan.
14:33Siya ay pumailalim at magulungan ng trailer truck.
14:37Ang insidente,
14:39nasa pool sa CCTV.
14:41Ayun yung motor na sumalubong sa kanila,
14:45kaya si tricycle pumagit na.
14:47Ito po yung truck,
14:48ito yung tricycle.
14:49Kung yun ito,
14:49dahil nabangganan na yung tricycle na nakasakay yung babae sa backride.
14:55Sabay sila ng tinatahak na daan,
14:58ngunit may isang motorcyklong papunta sa kanila,
15:03kaya nailang yung tricycle.
15:05Kaya po magit na at yun,
15:06nabangganan na siya ng truck.
15:08Nabangganan yung tricycle dun sa may kwetan.
15:11Nakikita ko,
15:11nakapumasok ko yung babae sa ilalim ng truck.
15:14Maray lang po yung babae.
15:16Maray lang.
15:18Napasigaw lang, maray.
15:19Sa investigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit o MDTEU,
15:24pasahero ng tricycle ang biktima
15:26na sumakay sa divisorya at pauwi na sana sa parola.
15:29Maraming po nakakita na sumingi yung tricycle.
15:32Kaya yung babae, napatalon.
15:35At takot yung babae.
15:36Pumasok sila ilalim ng truck.
15:37Hindi naman daw nawala ng malay
15:39ang 24 anyos na biktima
15:41na napuruhan sa kaliwang binti
15:43na kinailangang putulin.
15:45Masakit para sa amin na
15:48galing sa trabaho yung anak namin,
15:49pauwi na sana para makapagpahinga.
15:52Ganyan pa yung
15:55natamo niya na.
15:56Nasa kustodiyan na ng MDTEU
15:58ang driver ng trailer truck at tricycle.
16:00Hindi simingit.
16:01Mayroon nagsunod na container van.
16:03Tapos nabundol ang plate number.
16:05Ang pasayro.
16:06Nabiglaan.
16:07Nahulog.
16:08Tapos ito, naipit.
16:10Hindi sinasadya.
16:11Ayun, ma'am.
16:11Salaan ang tempo nila.
16:12Sino pong nila siya?
16:14Sino pong nila siya?
16:15Sino pong nila siya.
16:17Maharap ang mga drivers
16:18sa reckless imprudence
16:19resulting in physical injury.
16:21E.J. Gomez
16:22Nakatutok 24 oras.
16:26Nanindigan po si Senate President Tito Soto
16:28na pwedeng i-convene ang impeachment court
16:30basta may labing tatlong senador na present.
16:32Yan po'y kahit posibleng umanong mauwi sa kudeta sa Senado
16:36kung haharangin ito ng ilang senador
16:38ayon po sa isang dating Senate President.
16:41Nakatutok si Mav Gonzalez.
16:46May limang miyembro ngayon
16:47ang tinaguriang Duterte Block sa Senado.
16:50Sina Senador Bato de la Rosa,
16:51Bonggo,
16:52Rodante Marcoleta,
16:54Robin Padilla
16:55at Aimee Marcos.
16:56Bahagi sila ng minorya
16:57kasama sina Senador Alan Peter Cayetano,
17:00Cheese Escudero,
17:01Joel Villanueva
17:02at Jingoy Estrada.
17:04Sabi ni dating Senate President Coco Pimentel
17:06posibleng mauwi sa kudeta
17:08kung gusto harangin ng ilang senador
17:10ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
17:13Sabi kasi ni Senate President Tito Soto,
17:15oras na matransmit sa Senado
17:17ang articles of impeachment,
17:18kaagad niyang i-convene ang impeachment court.
17:21Ang opinion niya,
17:22kailangan mag-trial
17:23so hindi siya papayag na hindi mag-trial.
17:25What is the only way?
17:27What is the only way
17:29na ma-enforce ng majority
17:31kung ayaw nila mag-trial?
17:32Ang laki ng minority ngayon,
17:3415 versus 9.
17:37Tandaan mo na
17:38you only need 13 votes
17:40to elect the Senate President
17:44or to elect a new Senate President.
17:47Tingin ni Pimentel,
17:49maninindigan si Soto
17:50kahit pamapalitan siya sa pwesto.
17:52Sabi kasi ni Soto,
17:54pwedeng i-convene ang impeachment court
17:55basta't may labing tatlong senador na present.
17:58Kung palitan siya,
17:59so be it.
18:01Ang importante,
18:02ang importante yung lugar niya sa
18:04sa history,
18:05sa kasaysayan na
18:07mapakita niya sa mga apun niya
18:10siguro na
18:12tama yung paninindigan niya
18:14kahit na ang kapalit
18:15eh losing the position.
18:16Tingin ni Soto,
18:18walang mahabang debate
18:19kung magkaroon ng trial
18:20sakaling umakyat sa Senado
18:22ang articles of impeachment
18:23laban kay Duterte.
18:25Kung matuloy,
18:26gusto ni Soto ng pre-trial
18:27para maayos at mabilis
18:29ang proseso
18:30at wala nung surpresa.
18:31Tingin niya sa huling linggo ng Hunyo
18:33ang pinakamatagal na pagsisimula
18:35ng impeachment trial
18:36basta't walang magde-delay.
18:38Para ma-convict at matanggal
18:40sa pwesto ang bise,
18:41kailangan ng two-thirds na boto
18:43mula sa lahat ng membro ng Senado
18:45na tatayong Senator Judge.
18:46Dahil may 24 na senador
18:48ngayong 20th Congress,
18:50kailangan ng 16 na boto
18:52para sa conviction.
18:53Kinukunan din namin
18:54ang pahayag si Cayetano
18:55pero wala pa siyang tugon.
18:56Si De La Rosa
18:57natatayo rin Sen. Judge,
18:59wala pa rin pasabi
19:00kung papasok na siya.
19:01Mav Gonzalez,
19:02Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended