Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Patay ang isang binatilyo sa banggaan ng isang pick-up, isang SUV at ng sinasakyan niyang tricycle sa Dagupan City.
00:10Sugata naman ang pito pang kasama ng biktima.
00:12At nakatutok si CJ Torida mula sa GMA Regional TV.
00:20Umalingaungaw ang sigawan at iyakan kasunod ng karambulan ng tatlong sasakyan sa The Venezia Highway Extension sa Dagupan City gabi
00:28noong Merkules.
00:29Pinagtulungang buhatin ng mga motorista at residente ang wasak na tricycle kung saan may mga naipit na pasahero.
00:36Yung sa tricycle, nandun po siya, pababa po siya ng pantal bridge going to Lukau.
00:45Then yung isa namang pong vehicle, galing po siya sa bayan.
00:49Yung tricycle naman po, nabunggu niya yung likod ng pick-up.
00:53Sa lakas ng impact ng pagkakabanggad sa pick-up, nagpagulong-gulong ang tricycle at napunta sa kabilang linya ng kalsada
01:00kung saan nabangga naman ito nagdumaang SUV.
01:03Naiipit sa SUV ang 13 anyos na lalaking sakay ng tricycle.
01:07Binawian siya ng buhay kalaunan.
01:09Sugatan ang pitong iba pang sakay rin ng tricycle.
01:12Bali, punong-puno po yung tricycle. Bali, walo po yung karga ng tricycle. Kaya hindi po agad kumagat yung preno
01:22niya.
01:23Ayon sa pulisya, wala nang nagsampan ang kaso dahil nagkasundo ang tatlong sangkot sa disgrasya.
01:28Nakalabas na sa ospital ang dalawa sa pitong sugatan sa insidente.
01:32Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha na ng pahayag ang mga sangkot maging ang kaanak ng nasawi.
01:38Mula sa GMA Regional TV, si Jay Torida nakatutok 24 oras.
01:46Nagsampan ang reklamo ang asawa ni Vice President Sara Duterte.
01:49Laban sa mga iligal umanong naglabas ng bank record nilang mag-asawa sa impeachment proceeding sa Kamara.
01:55Inihain niya ito sa Quezon City Prosecutor's Office. Nakatutok si Jonathan Landal.
02:03Mismong si second gentleman, Attorney Maneses Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte,
02:09ang humarap sa media para ipakita ang isinampan niyang reklamo laban sa mga naglabas ng kanyang mga financial transaction sa
02:16impeachment hearing noong April 22.
02:18Pero hindi siya tumanggap ng mga tanong.
02:20Maraming salamat po. Nandito po kayo. Yung mga questions po ninyo, kay Attorney Danao na lang po siya na lang
02:28po sasagot.
02:28Maraming salamat and God bless us all. Thank you po.
02:31Inerereklamo ni Carpio, sina Banko Central Governor Eli Remolona, AMLAC Executive Director Ronel Buenaventura
02:38at mga kongresista ng House Justice Committee na sina Jervie Luistro, Percy Valsendania, Shell Jocno at Layla D. Lima.
02:45Ang allegasyon ni Carpio, nilabag ng mga nabanggit na opisyal, ang Bank Secrecy Law, AMLAC o Anti-Money Laundering Act
02:52at ang Data Privacy Act ng iligal umanong ilabas ang AMLAC report ng kanyang mga bank transaction.
02:59Iginigit ni Carpio ang Section 8 ng AMLAC na nakasaad na ang AMLAC at sekretaryat nito ay dapat protektahan ang
03:06mga impormasyong kanilang natanggap o na proseso
03:08at hindi dapat ilabas sa anumang paraan.
03:10Kung gusto nang usisain yung mga bank reports, bank information, meron namang paraan sa batas.
03:16Pero ang sinasabi namin, yung AMLAC mismo, hindi pwede maglabas ng kahit anumang informasyon na nakuha nila galing sa mga
03:24banko.
03:25Pero giit ni House Justice Committee Chair Rep. Jervie Luistro, hindi naman bank records ang inilabas kundi AMLAC report.
03:32Nang ang nire-report po ng AMLAC is not bank account. Ang inire-report po ng AMLAC are covered transactions
03:40and suspicious transactions aligned to the mandate of the Anti-Boney Laundering Act.
03:47Ang coverage ng bank secrecy are bank records in government and bank employees and officials. We did not subpoena them.
03:56Exempted rin daw ang impeachment proceedings, kaya wala silang nilabag na batas.
04:00Sabi naman ni Dilima, ang pagsasampa ng reklamo ni Carpio ay pag-amin na mayroong kahinahinalang bilyong-bilyong pisong halaga
04:08ng bank transactions na inireport ng AMLAC sa impeachment hearing.
04:12Bagay na itinanggi ng abogado ni Carpio.
04:14Sa pag-uusap namin ni Atty. Carpio, he vehemently denies having 6 billion ba yun o 3 billion. He vehemently
04:22denies that.
04:22Git ng kampo ni Carpio, bakit ito ay sinasama sa impeachment proceedings gayong pribadong individual naman ito?
04:28Si Atty. Carpio, hindi naman siya politiko. Bakit kailangan mong pang usisahin ng tax returns niya at saka mga bank
04:36transactions, diba? It's a fishing expedition.
04:39Well, he is married to the vice president. Their properties are communal in nature.
04:45So there should be every reason to look into the properties of both spouses.
04:53Kino-question naman ni Nadjokno at Dilima kung bakit sila ang sinampahan ng reklamo gayong buong committee naman ang bumoto
04:59para ilabas ang AMLAC report.
05:00How can we be singled out as individuals when ang nag-action doon sa sabpina?
05:07Hindi naman kami bilang mga mismong representante kundi yung buong committee on justice.
05:14Sila po yung nag-udyok na ilabas. Diba sila yung nag-motion, sila yung nag-shake on the motion at
05:20pinirmahan yung sabpina.
05:22Na dahil dun sa pinirmahan nilang sabpina, nilabas naman ng AMLAC. So yun po yung kaso namin.
05:28Nabisto kasi. Ganyan naman ang mga Duterte, diba? Kapag sila ay nahuhuli, nabubuko o nasusukol, tatakbo sa korte.
05:36Sabi naman ang Banko Sentral, sasagutin ng BSP Governor ang reklamo ni Carpio sa tamang forum kapag nakakuha na sila
05:43ng kopya nito.
05:44Pero iginit nilang ginagawa lang nila at ng AMLAC ang kanilang mandato na naayon sa batas at due process.
05:50Sabi ng kampo ni Carpio, sinubukan pa nilang pigilan ng paglabas ng AMLAC report sa impeachment hearing nang sumulat sila
05:55sa AMLAC noong April 16,
05:57bago pa maglabas ng sabpina ang Justice Committee pero walang nangyari.
06:01Kinuna namin ang pahayagang AMLAC pero wala pa silang tugon.
06:03Samantala sabi ni attorney Peter Danau, ibinasura na ng korte sa Quezon City ang hiling nilang TRO o Temporary Restraining
06:10Order
06:10laban sa pagsisiwalat sa ITRO, Income Tax Returns ni Carpio.
06:15Pero inapila na nila yan para subukan pa rin pigilan ng posibilidad na ilaban sa selyadong kahon ang ITR ni
06:21Carpio sa Merkules.
06:22Sa kabila ng reklamo, laban sa ilang kongresista, tuloy ang ikatlong impeachment hearing sa Merkules.
06:28At doon, posibleng na raw pagbotohan ng mga member ng Justice Committee kung may probable cause ba o wala
06:34ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
06:38Jonathan Andala, nakatutok 24 oras.
06:44Mula sa simpleng acting challenge sa bahay ni Kuya, sasabak na sa totoong romantic drama series
06:50si Caprice Cayetano at Heath Jornales.
06:53At di lang daw love for acting ang ibabahagi nila.
06:56Kasamang ibang kapwa PBB collab 2.0 ex-housemates.
07:00Makichika kay Nelson Canlas.
07:05This is not a drill.
07:08Tuloy na tuloy na ang pagbibidahang youth-oriented series ni Caprice Cayetano at Heath Jornales.
07:14Makakasama rin nila ang kapwa ex-housemates sa PBB collab 2.0 na sina Marco Massa at Clifford.
07:22Sa seryang entitled You Are My Favorite Song na handog ng GMA Public Affairs.
07:28Dream come true ang project na ito para kay Caprice.
07:32Sobrang excited po.
07:34Nag-acting challenge po kami sa loob ng bahay ni Kuya.
07:36So, yung acting challenge po namin doon nangyari na po at magiging show pa po namin.
07:42At dahil You Are My Favorite Song ang title ng serye,
07:46asahan na daw na bit-bit ng cast ang kanilang A-game pagdating sa music.
07:51Ako, I'm super happy po na I can bring my passion music sa isa sa mga shows na magagawa ko
07:58po.
07:58Kaya, ayun, I'm really excited po na mapakita po yung skills ko po sa singing and maybe sa instruments to
08:05everyone.
08:06Kaya, ayun, I'm really happy po.
08:07Pero syempre, bukod sa maka-entertain ng mga manonood, goals din nila ang maka-inspire ng kabataan sa kanilang bagong
08:15project.
08:16For this show, I want to make it light. I want to make it na makaka-relate yung Gen Z
08:20and, you know, to bring, you know, parang happiness lang din sa mga manonood.
08:25Nelson Canlas, updated sa Showbiz Happenings.
08:31Protektor umano ng e-sabong sa Negros Occidental, ang isang police major ayon sa DILG.
08:39Tatlong po ang dinakip sa ray.
08:42Nakatutok si June Veneracion.
08:48Nang salakayin ng mga otoridad ang operasyon ng e-sabong sa Talisay, Negros Occidental noong April 22, tatlong po ang
08:56inaresto.
08:57Pero sabit ang isang police major na naka-assign sa CIDG o Criminal Investigation and Detection Group dahil sa impormasyong
09:04siya umano ang protektor ng e-sabong.
09:07Kinilala ng Interior and Local Government Secretary John Vickery Mulya ang opisyal na si police major Edgar Tonico.
09:15Yung police major na protektor at yung alias Don Robert ay mga tao ni Atongang.
09:23Ang pangalan ng police ay si police major Edgar Tonico.
09:28Nagsasagawa na ng investigasyon at case build-up sa nahuling opisyal na naging provincial officer na rin ng CIDG sa
09:35Negros Island Region.
09:36Siya po ay relieved na po sa previous assignment. Dinala na po siya sa headquarters for investigation.
09:42Inaalam din ang CIDG kung may kinalaman ng negosyanteng si Atongang sa e-sabong operation sa Negros Occidental at ang
09:49basnako ng raids sa Tondo Manila noong nakarang buwan.
09:52Dalawag po ang pinupuntahan ng investigations po ng CIDG.
09:57Yung possible link nga po ni Atongang sa nasabing operations at yung link naman ang nasabing police major kay Atongang
10:06bilang operator po niya sa nasabing e-sabong.
10:09Na-recover naman sa operasyon ang mga electronic device at napakaraming manok na panabong, buhay at patay.
10:15Meron po dyan na anim na laban sa loob ng isang oras.
10:20Doon po sa recovery ng Atongang CIDG nakakuha po sila ng 300 na patay na manok.
10:26Wala pang pahayag ang mga nahuli sa operasyon sa Negros Occidental.
10:30June Veneration na Katutok, 24 Horas.
10:34Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panunumpa ng mahigit 8,000 bagong promote na guro sa Western Visayas.
10:41Bahagi po ito ng programa ng gobyerno para mapabilis ang career advancement ng mga guro.
10:47Bukod sa oath-taking ceremony sa Rojas City sa Capes, namahagi rin ang Pangulo ng tig-sampung kilong bigas sa
10:55500 senior citizen, PWD at solo parent.
11:01Sumula noong Agusto 2025 hanggang ngayon, halos 80,000 teachers, 79,230 teachers at school head sa buong bansa ay
11:14napromote na.
11:15Hindi na tayo papayag na merong guro na magre-retire ng Teacher 1.
11:22Bukod sa isang journalist at isang estudyante ng University of the Philippines, Diliman, may dalawa rin minor de edad at
11:30dalawang US citizen na namatay sa inkwentro sa Toboso, Negros Occidental.
11:34Gusto itong paimbestigahan ng isang grupo at ng Commission on Human Rights.
11:39Nakatutok si Chilo Gaston.
11:44Dalawa umanong minor de edad ang kasama sa labing siyam na mga namatay sa inkwentrong ito sa Toboso, Negros Occidental
11:51noong April 19.
11:52Inilabas ng AFP ang mga litrato ng mga nasawi na nakasuot pa ng mga bandolir ng bala ng datnang patay
11:59sa encounter site.
12:00Kabilang din sa mga namatay ang UP student counselor na si Alisa Alano, UP Open University student na si Maureen
12:08Santuyo at community journalist na si RJ Ledesma.
12:11Kasama rin sa mga patay ang US citizen na sina Lyle Prijoles at kay Dana Rene Sorem.
12:17Sa isang pahayag, sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC,
12:23na isang 17 at 16 anyos na NPA members ang namatay.
12:28Ang pag-recruit umano ng NPA na mga minor de edad ay isang paglabag hindi lamang na mga lokal na
12:34batas kundi ng International Humanitarian Law.
12:37Pero tanong ng Kabataan Partilist, kung alam pala ng militar na may minor de edad sa lugar, bakit nadamay pa
12:43rin ang mga ito?
12:44Ang tanong nga, dapat nga, ano no, may mga minors doon. Ang tanong, bakit may minor doon at bakit pinatay
12:53ang minor?
12:54Naghain na ng resolusyon ng makabayan block ng panukala sa Kamara para investigahan ang nangyaring inkwentro sa Tuboso.
13:01Nauna nang sinabi ng AFP na isang lehitimong inkwentro ang nangyari at kasapi ng NPA ang lahat na namatay.
13:07Pero giit ng grupong karapatan, hindi combatants ang dalawang Filipino-American, pati si Naledesma at Alano, Santuyo at isa pang
13:16tinukoy nilang kabilang sa mga nasawi.
13:18Kinundin na naman ang UP Open University ang inkwentro at nakiramay sa pamilya ng estudyante nilang si Santuyo na ang
13:25advokasya raw ay tulungan ang mga komunidad ng mga magsasakah.
13:30Nananawagan din sila ng investigasyon sa pangyayari.
13:33Bago nito, nakiramay rin ang UP Student Council sa pagkamatay ni Alano.
13:37Hanggat wala raw solusyon sa kahirapan, ay hindi raw nito mapipigilan ang mga tulad niya para alamin ang tunay na
13:44kalagayan ng mga mahihirap na sektor ng lipunan.
13:47Sa isang press conference, sabi ng Information Officer ng Bayan ng Tuboso,
13:51wala raw paalam ang grupo ng mga UP student na magsasagawa ng immersion, fieldwork o anumang research sa kanilang lugar.
13:58Na dapat meron siyang later from the university, so kaya nga magsusulat kami siguro sa university kung ano yung guidelines
14:08ng university when it comes to community research.
14:11Kasi sa pagkakaalam natin, wala po talagang isang estudyante na pumunta sa barangay man lang o sa munisipyo.
14:22Parang a process of courtesy call na magpahayag na meron silang gagawing instrumental study.
14:30Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng University of the Philippines ukol dito.
14:35Ang Commission on Human Rights naman magsasagawa raw ng imbisigasyon sa nangyari.
14:39Sino gasto na katutok 24 oras?
14:42Samantala sa isang pahayag, sinabi ng University of the Philippines na labis nilang ikinalulungkot
14:47ang pagkamatay ng kanilang mga estudyante ang sina Alisa Alano at Maureen Santuyo sa Military Operations sa Toboso, Negros Occidental.
14:56Nanawagan din ang unibersidad sa publiko na huwagusgahan ang pagpunta ng kanilang mga estudyante sa mga underserved communities.
15:04Wala raw UP student na limitado sa classroom ang mga natututunan.
15:08Sabi ng UP, may mga ulat ng dalawang estudyante gumagawa rawon ng community activities para sa kanilang mga organisasyon
15:16at hindi para sa mga university sanctioned programs.
15:19Pero nanindigan ng UP para sa karapatan ng lahat ng estudyante sa kanilang mga kalayaan sa ilalim ng saligang batas
15:26particular sa pagsusulong na kanilang social consciousness.
15:29Suportado raw ng unibersidad ang inisyatibo ng Commission on Human Rights sa pagsasagawa ng investigasyon sa pangyayari.
Comments

Recommended