00:00Wala pa pong El Niño pero labig siyam na probinsya na ang nakararanas ng drought o matinding tagtuyo ayon sa
00:07pag-asa.
00:08Nakatutok si Jamie Santos.
00:12Hindi na naaabot ng tubig ang gate valve ng San Cristobal Dam sa Sarat, Ilocos Norte.
00:18Bumaba na sa critical level ang antas ng tubig dahil sa tindi ng init.
00:22Sa pidig at bintar, mabilis ding natutuyo ang mga imbaka ng tubig, balon at small farm reservoir.
00:28Ang resulta, nagkapitak-bitak na lupa at natutuyot na mga pananim.
00:33Ganyan din sa Cagayan at Isabela, na parehong nasa state of calamity dahil sa pinsala sa agrikultura,
00:40bunsod ng tag-init at pagmahal ng petrolyo.
00:43Ngayong buwan, ayon sa pag-asa, labing limang probinsya sa norte ang nakaranas ng drought o tatlong sunod na buwang
00:50higit na mas mababa sa normal ang bumuhos na ulan.
00:53Sa gitna nito, nanawagan ang grupong Philippine Movement for Climate Justice sa gobyerno na magdeklara ng National Climate Emergency.
01:01Sinusubukan naming makuha ang reaksyon dito ng Malacanang.
01:04Ayon sa pag-asa, ang pagkatuyot ngayon ng mga irigasyon at sakahan, hindi pa bunsod ng El Niño.
01:10Nasa hot dry season pa po tayo. Mababa po talaga yung possibility ng mga pag-ulan or wala pong pag
01:17-ulan at all.
01:18Mayroon na tayong 79% chance na magkaroon or mapunta po tayo sa El Niño sa mga susunod po na
01:24buwan, most likely by June, July at August.
01:27Jamie Santos, Nakatutok 24 Horas.
Comments