00:00Dumiit ang lamang ni Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Lenny Robredo
00:04sa pinakabagong pre-election preference survey para sa 2028 elections ng OCTA Research.
00:10Sa 26 na pangalan sa pagkapangulo na ibinigay ng OCTA Research,
00:1533% ng respondents ang pumili kay Duterte, 21% naman ang kay Robredo.
00:22Kung ikukumpara sa resulta ng survey noong 4th quarter ng 2025,
00:26makikitang sa pagbaba ng resulta ng Vice ng 5% ay ang pagangat naman ng numero ng alkalde ng 13%.
00:34Ang dating 30 points na lamang ni Duterte kay Robredo, lumiit ng 12 points.
00:39Pero idiniin ng OCTA, dapat maingat na ma-interpret ang survey
00:44dahil sa ang pagbaba ng 5 points ni Duterte ay malapit sa margin of error na plus or minus 3%.
00:511,200 ang respondents ng non-commissioned survey na isinagawa nitong March 19 to 25.
Comments