00:00Hindi na umabot ng buhay sa kulungan ang limang preso matapos bumangga sa pader ang sinasakyan nilang police mobile.
00:09Isa pang preso ang kritikal habang sugatan ang apat nilang police escort.
00:13Iniimbestigahan na ng Quezon City Police kung may nagkulang kaya nawala ng control sa mobile ang driver.
00:20Ang pagrespond din ng mga rescuer, inabutan at tinutukan ni Mark Salazar.
00:30Wala nang malay o tuguan ang mga sakay na preso ng isang police mobile na bumangga sa isang pader sa
00:36Payatas Road, Quezon City.
00:43Kinulang pa ang stretcher ng mga responder kaya pinagtulungan buhatin ang mga biktima.
00:49Sa crash site, naggalat ang mga personal na gamit ng mga biktima na dadalhin sana sa pagpasok sa piitan.
00:55Ang isang polis, hilo pa sa pangyayari habang inaakay papunta sa ambulansya.
01:01Sa inisyal na investigasyon, lumalabas na masama ang tama sa mga sakay ng police mobile.
01:07Upon arrival po sa scene, sir, ang nakita ko po ay yung dalawang inmate, negative na po ng vital signs.
01:14Kasi chinek ko yung mga vital signs nila, wala na pong pulse rate at hiningi yung tao.
01:18Yung dalawa out of the 6 inmates, yung apat na polis natin?
01:24Yung apat na polis, isa na lang po ang inabutan namin. Dinala daw po sa ospital.
01:28Sa anim na presong sakay ng mobil, lima ang nasawi, habang isa ang kritikal.
01:34Nagpapagaling naman ang apat nilang polis escort.
01:37Inabutan ko pang nilalapatan ng lunas ang polis na driver ng mobil.
01:41Ang kanyang testimonya at ang mga clue gaya ng flat tire sa driver's side ay parte ng investigasyon.
01:48Dalawang mahalagang bagay ang titignan sa insidente nito.
01:51Una ang kondisyon ng polis na nagmamaneho ng polis mobil at ang kondisyon mismo ng sasakyan.
01:58Sa lakas ng pagbangga sa pader, Nayupi ang malaking bahagi ng hood ng mobil.
02:03Papunta sana ito sa Quezon City Jail sa Payatas.
02:07Nawalan kasi ng kontrol sa sasakyan ng driver habang nasa Payatas Road kaninang tanghali.
02:12Dito po, spalik ko na yan.
02:15Paangat?
02:16Oo, paangat. Gagaywang na gaiwang na siya.
02:19Nandyan kami sa linya namin. Muntik kami mahagit.
02:22Buti, nakaiwas nga ako eh.
02:23Eh, nung ano, nga ganun.
02:27Siguro ang best na freno, siguro apaka niya sir.
02:29Nawalan possible sir, nawalan ng kontrol yung sasakyan.
02:34Nagdulot ng mabigat na trapiko ang disgrasya hanggang matanggal na ito matapos ang trabaho ng mga investigador sa crash site.
02:41Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments