00:00Nakataktang magtungo sa Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos
00:06para sa isang state visit mula May 26 hanggang May 29.
00:11Ito ay kasunod ng imbitasyon ng Japanese government.
00:14Ayon sa Presidential Communications Office,
00:17inaasahang tatanggapin ang Pangulo at Unang Ginang ng Emperor at Empress sa Imperial Palace
00:23para sa isang welcome ceremony at state call.
00:26Isang sagawa rin umano ang isang state banquet.
00:29Magkakaroon din ng pulong ang Presidente at si Japanese Prime Minister Takaichi Sane
00:34kung saan tatalakayin ang partnership ng Pilipinas at Japan
00:39lalo na sa usapin ng enerhiya at food security.
00:43Kasama rin sa schedule ng punong ehekutibo
00:45ang pakikipagpulong sa mga Japanese business groups
00:48para makapaghikayat ng investors sa Pilipinas.
00:52Bibisita rin ang Pangulo sa Filipino community roon
00:55para kumustahin ang kanilang estado.
00:58Ngayong taon ay ginugunita ng Pilipinas at Japan
01:02ang ikapitumpong taong anibersaryo ng ating diplomaticong ugnayan.
Comments