00:00Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na may 15 tripulanting Pinoy
00:05na sakay ng dalawang barkong kinubkob ng Iran habang tumatawid sa Strait of Hormuz.
00:10Sakay ng isang mas maliit na bangka ay nilapitan ng Revolutionary Guards ng Iran ang dalawang container ship.
00:17Ayon sa Iran, walang permit ang pag-ooperate ng mga ito
00:21at may ginagawa rin umanong tampering sa kanilang navigation system.
00:265 Pinoy ang sakay ng Panama Flag MSC Francesca
00:30habang 10 Pinoy naman ang nasa barkong Liberia Flag na EPA Minondas.
00:36Ayon sa mga ulat, pinaputukan pa ng Iran ang dalawang barko
00:40dahilan para magkaroon ng pinsala sa ilang bahagi nito.
00:43Wala lamang Pinoy na nasaktan dyan ayon sa DMW.
00:47Napagbigay alam na rin nila ito sa kanilang mga pamilya
00:50habang patuloy ang kanilang koordinasyon sa manning agency at ship owners.
00:56Sa ngayon, hawak ng Islamic Revolutionary Guards Corps ang dalawang barko.