Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Co-ignorization ng flood control projects, makakapanayin natin live si Navos at Navota City Representative Toby Tiyanko.
00:06Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:09Hi Rafi, yes. Magandang umaga.
00:11Opo. Isa po kayo sa mga nabanggit ni dating House Speaker Martin Romualde sa kanyang pahayag kahapon.
00:16Vice Chair of the Appropriations Committee daw kayo sa previous Congress.
00:19Pero bakit hindi daw na-bring up yung concern sa budget process?
00:23Okay. Number one, 56 po kaming Vice Chairman dyan.
00:27Hindi lang po ako nag-iisang Vice Chairman dyan.
00:31Number two, ang tabaho po ng Vice Chairman is idepensa yung budget nung department na naka-assign sa inyo.
00:38Number three, tignan nyo po yung budget deliberations for the 2025 budget.
00:45I think that was mga October 2024 yan.
00:49Tignan nyo yung records nun.
00:50Wala namang member ng majority na nakapagtanong dun.
00:53Dahil sa totoo lang, at that time, pag member ka ng majority at gusto mong magtanong,
00:58ang sasabihin sa'yo, pag nagtanong ka, babawasin yung budget mo.
01:02Tignan nyo, baka sasabihin na naman lang, hindi totoo yan.
01:04Pero tignan nyo yung records, yung transcripts, wala pong nakapagtanong dyan.
01:10Pang-apat, alam nyo po, ina-approbahan muna ng Kongreso ang budget sa second reading.
01:17Ang problema noon, dun sa sistema noon na nilabanan ko na binago ngayong 20th Congress,
01:23is dati, pagkatapos aprobahan ng lahat ng congressman sa plenario on second reading,
01:28nagtatalaga ng small committee na apat na tao, di ba?
01:32Ang namumuno dyan is si former congressman sa adiko.
01:35At doon nagkakaroon ng unang pagkakataon na magkaroon ng insertion para makapagbenta ng proyekto.
01:43So, ang masama doon talaga is yung bentahan ng proyekto.
01:48Doon nagsisimula yung korupsyon.
01:49So, yung korupsyon, nagsisimula pa lang doon sa House of Representatives.
01:55Pagkatapos namin, aprobahan on second reading.
01:57Pag binalik yan sa amin on third reading, hindi ka na pwede mag-question.
02:00So, paano kami mag-question sa ganong sistema?
02:02Kaya nga, yun ang pinaglaban natin at dito sa 20th Congress,
02:06yan yung isa sa pinakamalaking reformang ginawa.
02:09Wala ng small committee.
02:11Paano po na-select? Paano po pinili yung select committee na yun?
02:15Yung membro na apat na binabanggit nyo?
02:19Siyempre, imamanifest yan sa floor.
02:20Siyempre, since may super majority, wala naman tututul doon, diba?
02:24So, yun ang nangyayari.
02:26So, wala po kayo sa deliberasyon doon sa sinasabing nagkaroon ng mga insertions?
02:29Andi, wala. Okay, buti natanong mo yan.
02:31Hindi po ako membro ng small committee at hindi rin ako membro ng BICAM.
02:35Though, isa ako sa 56 na vice chairman ng Committee on Appropriations.
02:41Yan ang pinakamalaking committee. 143 members yan.
02:45Kung noon man or ngayon, looking back, meron bang red flag kayo nakita?
02:49Noong may deliberation doon sa budget?
02:53Hindi, yun na nga, diba?
02:54Sabi ko nga, noong 19th Congress, ang pang-apat na balik ko na yan doon sa Kongreso,
02:59noon lang nagkakaroon talaga ng bentahan ng proyekto.
03:03Kaya yung sinasabi ni former Speaker Martin Romualdez na executive branch ang nagpapatupad niyan.
03:09Pero bago naman dumating doon sa executive branch, bastat na ibenta yung proyekto,
03:15babayaran na kagad yun.
03:16So, hindi pa siya umaabot, hindi pa nga siya nabibid.
03:19Basta pumasok ka doon sa libro na tinatawag doon sa HGAB o sa GAA, babayaran na yun.
03:24At hindi, though ako una nagsabi na ang nagbebenta noon, isisaldi ko,
03:28yan naman ay pinatunayan ni Engineer Alcantara at yun din ang sinabi ni Yusek Bernardo.
03:37So, hindi lang ako nag-iisang nagsabi niyan.
03:39Ang tanong, magagawa ba yun ni Saldi ko nang hindi alam ni former Speaker Martin Romualdez?
03:45Diba? Dahil sa isang panayam, sinabi naman ni Saldi ko na araw-araw silang nag-uusap ni former Speaker Martin
03:53Romualdez.
03:54Bago po ito maisiwalat sa mga congressional inquiries, lumabas na po ba ito?
03:59Alam na ba ito ng ibang mga members ng Congress yung sinasabi niyang bentahan?
04:03Yes, yes. Open secret naman yan.
04:05Siyempre, wala lang gusto magsalita dahil baka nakabili sila ng proyekto doon.
04:10Siyempre, hindi sila makapagsalita doon sa bagay na yan.
04:15So, hindi totoo yung sinasabi niya na yung corruption ay pinapasan niya doon sa executive branch.
04:20Kasi hindi pa nga umaabot yung budget doon sa executive branch ay nagkakaroon na ng bentahan ng proyekto.
04:26So, palagay niyo po mas marami pang madadamay o masisiwalat ng mga members of Congress dito?
04:31Ah, depende yan. Kasi ang nasa sentro talaga yan.
04:33Ever since before, I've been consistent na ang nasa sentro talaga yan is si Saldi ko, diba?
04:39Kasi kahit doon sa kanyang mga statements, hindi naman niya tinatanggi, diba?
04:45O, sinasabi lang niya na alam yun ni former Speaker Martin Romualdez.
04:49Yun ang sinasabi niya doon sa kanyang mga statements.
04:53Nababanggit niyo po si former Congress Manzaldi ko.
04:56Ano pong reaction niyo sa kanyang pagkaka-aresto?
04:58Makakatulong ba ito sa investigasyon ng gobyerno?
05:01Ah, yes, of course. Of course.
05:02Ang makakatulong yan.
05:03At ako ay natutuwa na yung aking munting suggestion na magpadala ng high-level team,
05:09mukhang kahapon yata nagpadala na ng high-level team yung ating pamalaan
05:14para siguraduhin mapabalik si Saldi ko.
05:17Para mabura na rin yung mga chismis-chismis na sinasabi na ayaw pabalikin si Saldi ko.
05:22Maganda yung ginawa nilang action na nagpadala sila ng high-level team doon
05:26para patunayan na sila mismo gusto nilang pabalikin si Saldi ko.
05:30Samantalay na rin po namin, kuha ka po kami ng update sa nasunog na landfill sa Navotas.
05:34Ano pong sunod na action? Kasi naidugtong na eh.
05:36Meron ng kalsada, papasok doon sa landfill mismo.
05:38So dapat mapabilis na yung pag-apula doon sa sunog.
05:42Yes, tama kayo. Mas mapapabilis na ngayon dahil hindi lang by sea pwede na magdala ng mga panambak by land.
05:49At marami na rin nagdala ng panambak doon.
05:51May mga nagpadala na ng apog dahil yung daw ang pinaka-effective eh, yung line.
05:58So mas mapapadali na ngayon yung pag-apula doon.
06:02Hindi katulad nun dati na by sea lang.
06:05Talagang may nadali yung kalsada kasi isla yun eh.
06:08Kung napunta ka doon, Rafi, isla yun eh.
06:12Dati walang paraan pumunta doon kung hindi by barges.
06:16So ngayon, mas mapapadali yan magpadala ng panambak,
06:20mas mapapadaling magpadala ng heavy equipment.
06:22At kami nagpapasalamat sa lahat ng national government agencies.
06:25Baka may makalimutan lang ako.
06:27So Air Force, DNR, DPWH, ibang mga LGUs.
06:33Yung City of Manila, nagpadala sila ng thermal drone
06:35para alam natin kung saan yung mga may init na lugar, hindi lang visual.
06:40So nagpapasalamat tayo kay Yorme sa City of Manila sa pagpapadala niya ng drone.
06:46Madami private sectors na nahihiraman kami ng heavy equipment.
06:50So kami nagpapasalamat sa lahat.
06:52Kung meron ako hindi nabanggit, pasensya na.
06:53Pero salamat po sa inyong lahat.
06:55E yung tulong naman po sa mga apektado,
06:57unfortunately, yung kapitbahay nyo na Ubando, yung napuruhan po rito.
07:00Yes, tuloy-tuloy po tayo doon sa pagtulong sa mga evacuees
07:06ng local government ng Ubando.
07:09At syempre, ang pinakamahalaga dito is dalawang bagay.
07:14Number one, mapatay yung apoy kaagad.
07:16Number two, mapanagot naman yung kumpanya na hindi sinunod yung closure plan.
07:23Kasi doon sa prangkisa nila, may closure plan talaga yan.
07:27At sila'y sinabihan ng DNR noon na dapat nilang implement yung closure plan.
07:32Ang nangyayari po dyan, iniwanan po nila.
07:34Very quickly, baka meron po kayo mensahe doon sa mga naghihintay ng tulong
07:37at ng solusyon dito po sa mahigit sampung araw ng sunog dyan po sa Nabotas.
07:42Ah yes, so araw-araw po halos pinupuntahan niya ni Mayor John Ray
07:49personally supervising the operations.
07:52At meron kaming group chat dyan na minomonitor po talaga
07:57ng lahat ng mga stakeholders yung pag-apula ng apoy dito
08:02kasi laking problema nito, sakit ng ulo nga sa amin yan.
08:06Alam mo, kung hindi lang iniwanan ito, inabandon at ginawa yung closure plan,
08:13hindi mangyayari ito.
08:14Because this landfill has been operating for 20 years
08:18at never nagkaroon ng sunog na ganyan.
08:21Kung kailan pa sinara at hindi inoperate,
08:24tsaka pa nagkaroon ng sunog,
08:25dahil nga, iniwanan lang basta-basta
08:27at hindi sinunod yung closure plan na dapat nilang gawin.
08:31Okay, maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
08:35Ayan po si Nabotas Representative Toby Chanko.
Comments

Recommended