00:00Come on!
00:01Come on!
00:04Bumulagta ang motorcycle taxi rider na ito
00:06habang nakapila para sa 5,000 fuel subsidy
00:09sa Quezon Memorial Circle kahapon.
00:12Sinubukan siyang saklulohan
00:13at bigyan ng CPR ng mga kapwa rider.
00:16Hanggang sa dumating ang isang medic.
00:19Kalaunan, kinumpirma ng
00:20Department of Social Welfare and Development
00:22na nasawi ang lalaki.
00:24Inaalam pang kinasawi niya.
00:26Kanina, dumalaw at nakiramay si DSWD
00:29Sekretary Rex Gachalian sa pamilya ng biktima.
00:32Nagbigay na aniya ang kagawaran ng tulong
00:34para sa gastusin sa ospital,
00:37living, transportasyon,
00:38at pag-aaral ng anak ng biktima.
00:41Isa lang ang biktima sa napakaraming
00:42delivery at motorcycle riders
00:44na tiniis ang init at mahabang pila
00:47para sa ayuda.
00:48May mga inabot ng halos 20 oras.
00:51Grabe ang pagod.
00:52Tsaga-tsaga lang para
00:54may pang bigas-bigas.
00:57Tinaraing din ang ila
00:58ng umano'y singitan
00:59kaya hindi na naiwasang magkagirian.
01:01Marami silang pinapasingit eh.
01:03Yun ang problema eh.
01:04Sobrang hirap po ng pila ng mga driver.
01:06Tuloy ang payout ngayong araw.
01:08Si Bianca,
01:09isa sa mga matyagang pumila
01:11kasama ang naka-wheelchair niyang asawa.
01:13Pagsapit ng hapon,
01:15hindi na kasing haba ang pila.
01:16Sulit ang pagod.
01:18Alas tres pa ako nandito madaling araw eh.
01:20Matyagaring pumila ang mga rider sa Makati City.
01:23At kalookan kung saan umabot ng mahigit isang kilometro ang pila.
01:27Meron pang dumuguang ilong.
01:29Dismayado naman ang isang pumila sa payout sa tagig
01:32dahil may nakakobra na raw ng 5,000 pesos na nakapangalan sa kanya.
01:37Pagpila ko at nasabi sa akin,
01:40may nag-claim na raw ng subsidy na dapat kong makuha.
01:45Sinubukan ng GMI News na makuna ng pahayag ang mga taga DSWD na nasa payout.
01:50Pero anila,
01:51mas mainam daw na ang nakataas sa kanila ang sumagot.
Comments