00:00Maari raw maging state witness si Ramil Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte
00:05kung may magsasampan ng kasong kriminalo-administratibo ayon sa isang law expert.
00:10Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:14Dahil sa papel umano ni Ramil Madriaga sa pag-deliver ng perang bahagian niya
00:20ng confidential funds ng Office of the Vice President,
00:23sa tingin ng isang constitutional law expert,
00:25pwede siyang maging state witness sakaling may kasong kriminal o administratibo na ihain sa hinaharap.
00:33Si Madriaga ang nagpakilalang dating aid at umano'y bagman ni Vice President Sara Duterte
00:38na humarap sa House Committee on Justice.
00:41Yung sinasabi niya o allegation ng impeachment complaint na illegal na paggamit ng intelligence funds,
00:49kasabwad siya dun kasi siya nga ay taga-deliver daw eh.
00:52Mahalaga rin anya ang pahayag ni Madriaga sa bank accounts na pinabuksan sa kanya
00:57kung saan umano't pinadaan ang milyong-milyong piso.
01:01Ordinaryong tao pero daang-daang milyon ang dumadaan sa iyong bank account at pinapawidraw.
01:07Paglilinaw ng isang miyembro ng House Committee on Justice,
01:10walang state witness sa impeachment proceedings.
01:13He can be considered as a blowing the whistle on the Vice President and her colleagues
01:18pagka umabot na hulat tayo sa trial.
01:22Ang mga kumontra sa ilang pahayag ni Madriaga,
01:25pwede raw kusang humarap sa komite o kaya'y iharap sila ng vice bilang resource persons niya.
01:32Nakakabis ba yan nga na ayaw pumaloob o sumali sa proseso ng Vice Presidente
01:39pero siya at ang kanyang kampo ay tuloy-tuloy naman ang pagbadat sa mga proceedings mismo.
01:48Kinumpirma naman ni Ridon sa Land Transportation Office
01:51ang mga sasakyang binanggit ni Madriaga na pag-aari niya,
01:55pati na ang mga ginamit daw niya sa pag-deliver ng pera.
01:59Target ng House Committee on Justice na tapusin ang hearing sa impeachment complaints
02:04laban kay Vice President Sara Duterte sa April 29.
02:07Posibleng maisumite sa plenaryo ng kumite ang committee report nito
02:12sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa May 4.
02:15So hindi siya agad-agad ma-aprubahan.
02:19Magkakaroon pa talaga ng debate yan
02:20and there will be also time for other members to solicit answers from the chairperson.
02:27Tina Panganiban Perez, Nahatutok, 24 Horas.
Comments