00:00Bago ang muling pagsasara ng Strait of Hormuz,
00:03sinabi ng Department of Migrant Workers na ligtas ng nakalabas
00:05ang ilang barkong may mga sakay na mahigit 200 tripulanting Pinoy.
00:09Pero libu-libu pa rin kababayan natin ang nananatili sa mga barkong na roon pa rin.
00:14Nakatutok si JP Soriano.
00:19Kasunod ng pahayag ng Iran na pwede nang dumaan sa Strait of Hormuz
00:22ang lahat ng commercial ships,
00:24kinumpirma ng Department of Migrant Workers o DMW
00:27na kabilang sa mga barkong nakalabas doon
00:30ang mga barkong may sakay na mga tripulanting Pilipino.
00:33Labing lima sila na ships at 266 Filipino seafarers.
00:39Since first week of April sila nakapag-exit ng Strait of Hormuz.
00:45At ligtas sila lahat.
00:46We have confirmed this with their respective ship owners
00:50as well as their manning agency.
00:52Sa monitoring ng DMW,
00:55karamihan sa labing limang barkong ito
00:57ay nasa eastern coast na ng Afrika
00:59habang ang iba'y nasa Southeast Asia na.
01:02Nag-exit ng Strait of Hormuz, Persyongal,
01:05umiwas sa Red Sea at iikot ng Horn of Africa
01:08papuntang Mediterranean Sea sa Europa.
01:11May mga nakalabasman,
01:12nakatuon pa rin ang atensyon ng DMW
01:14sa mahigit 4,000 pang tripulanting Pinoy
01:17na nasa mahigit 500 foreign flag vessels.
01:22Ngayong araw nakabalik na ng Pilipinas
01:24ang mga tripulanting Pinoy
01:25na sakay naman ng oil tanker na Aqua One
01:28ng Qatar
01:28na tinamaan ng isang missile ng Iran
01:30noong unang linggo ng Abril.
01:32Tinutulungan sila ngayon
01:34ng DMW at OWA.
01:36JP Soriano,
01:37Nakatuto, 24 oras.
Comments