00:00Umabot na sa higit 3.2 billion pesos ang naipamahaging cash relief assistance ng DSWD sa PUV drivers.
00:08Sa harap nito, nilinaw ni DSWD Crisis Intervention Program Director Edwin Morata
00:14na ang naturang cash assistance ay hindi fuel subsidy,
00:17kundi bahagi ng kanilang programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation.
00:22Ipinaliwanag din ng opisyal na 5,000 piso ang halaga ng kanilang ipinamahagi
00:28dahil ito ang standard na halaga para mabigyan ng agarang tulong ang malaking populasyon.
00:34Samantala, tiniyak din ang DSWD na bukod sa transport sector,
00:38patuloy din nilang tinutulungan ang mga individual na nakararanas
00:43ng hindi inaasahang krisis sa ilalim ng AICS.
Comments