00:00Isinusulong sa Senado na ibaba sa 10% ang kasalukuyang 12% value-added tax o VAT sa bansa.
00:06Efektibong paraan daw yan para mapababa ang presyo ng mga servisyo at mga produkto, lalo na ang petrolyo.
00:13Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
00:19Maliban sa mga hilaw na agri-product at pagkain,
00:23halos lahat ng bilihin at servisyo ngayon ay meron ng value-added tax o VAT.
00:2812% agad ang patong sa presyo na pinapasan ng lahat ng consumer, mahirap man o mayaman.
00:35Kaya ang gusto ni Sen. Bam Aquino, ibalit yan sa 10% na lang.
00:40Yan naman ang dating VAT talaga bago ito itaas noong February 1, 2006.
00:45Sa ganitong paraan, direktang bababa ang presyo ng mga produkto at servisyo kabilang ang petrolyo.
00:51Yan ay para matulungan kahit ang middle class na ayon kay Aquino ay hindi nakakakuha ng direktang tulong mula sa
00:58gobyerno.
00:59May naunang panukala si Sen. Mark Villar bago pa ang krisis.
01:03Ibababa rin nito sa 10% ang VAT, pero pwedeng ibalik ng Pangulo sa 12% kapag inirekomenda ng Finance
01:10Secretary
01:11kung masyadong malaki ang kakulangan ng pondo kumpara sa gastusin ng gobyerno sa isang taon o projected deficit.
01:18Ang panukala naman ni Sen. Loren Legarda, pansamantala lang ang pagsuspinde o pagbawa sa VAT sa produktong petrolyo.
01:26Yan ay kung isang buwan ang umabot sa $80 per barrel ang average na presyo ng Dubai Crude
01:31o kung may deklarasyon ng State of National Emergency o Calamity at sobrang tumaas na ang presyo ng langis.
01:38Sabi rin ni Sen. Aimee Marcos, mas mainam kung VAT ang alisin imbis na excise tax.
01:44Sabi ko, aralin ninyo sana yung VAT.
01:46Sabi na ang pakahirap niyan, may input-output. Ramdam ka agad sa gas station.
01:51Base sa pananaliksik ng GMA News Research, ang Pilipinas at Indonesia ang may pinakamataas na VAT sa buong Southeast Asia
01:58na 12%.
01:59Pinakamababa naman ang 2.5% VAT ng Timor Leshte.
02:04Habang ang Brunei, niwalang VAT.
02:06Hinihingan pa namin ng komento ang Department of Finance sa panukalang ibaba ang VAT.
02:11Pero nauna nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na petrolyong market lang ang makikinabang kung alisin ng VAT sa produktong
02:18petrolyo.
02:19You know, here's the thing with the VAT.
02:22Especially the VAT on oil and petroleum products.
02:26The VAT on petroleum products, we are going to get a windfall profit from that
02:33because tumaas yung presyo ng krudo.
02:39And because of that, all the importations will have at the present VAT rate, we will get funds, extra funds
02:48from that.
02:49If we take away the VAT on petroleum products, it will only help the petroleum market.
02:58Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA News.
03:03Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA News.
Comments