00:00Tuluyan ang inalis sa pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police Academy
00:05matapos ang naiulat na hazing sa loob ng akademya.
00:09Sa inilabas na relief order, kabilang sa sinibak,
00:12ang director ng PNPA na si Police Major General Andre Dizon
00:16inilipat rin sa personnel holding and accounting unit ang comandant ng PNPA at iba pang opisyal nito.
00:24Itinilaga naman si PRO-7 Regional Director Police Brigadier General Red Maranan bilang acting director ng PNPA
00:32habang papalit naman bilang acting director ng PRO-7 si Police Brigadier General Arnold Abad.
00:39Nauna ng inaprubahan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.
00:45ang rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detective Management
00:49na isa-ilalim sa pre-charge investigation ang ilang matataas na opisyal ng PNPA
00:54kasunod ng nangyaring hazing sa 22 plebo ng PNPA.
Comments