00:00Pinag-aaralan pa ng Malacanang ang panukalang pansamantalang sagutin ng gobyerno
00:05ang pension contributions sa mga miyembro ng SSS at GSIS
00:11sa ilalim ng panukalang protect program ng isang senador.
00:16Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro,
00:21kasalukuyan pa itong sinusuri ng pamahalaan.
00:23Gayun pa man, binigyang DE ni Castro na may mga umiiral ng programa ang SSS, GSIS at pag-ibig
00:31para tumulong sa mga Pilipino, lalo na sa gitna ng tensyon sa Middle East.
00:36Kabilang dito ang halos 60 bilyong pisong halagang financial assistance ng SSS,
00:43gayun din ang loan moratorium ng GSIS at mga special benefit ng pag-ibig
00:49para sa mga miyembro at repatriated OFW.
00:54Sa pag-ibig naman po, nag-announce po ang pag-ibig na special benefits package
00:59para po sa mga repatriated OFWs.
01:02At pwede po ma-withdraw up to 100% ang pag-ibig regular savings
01:09and modified pag-ibig 2 savings bago po ito mag-mature.
01:13At makaka-avail din po sila ng tatlong buwang moratorium
01:16sa kanilang housing loan payments na walang interest at walang penalties.
Comments