00:00Samantala, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng reintegration program para sa mga umuwing overseas Filipino workers sa
00:09isang regional fair sa Tacloban City.
00:11Ginawa ang bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network Regional Fair kasama ang DMW at iba pang ahensya ng
00:21gobyerno.
00:21Pinagsama-sama sa programa ang iba't ibang ahensya ng gobyerno upang magbigay ng trabaho, kabuhayan at serbisyong panlipunan, lalo na
00:31sa mga apektado ng krisis sa Middle East.
00:34Layunin ang programa na tulungan ang libu-libong OFWs at kanilang pamilya na makabalik at makapagsimula muli sa bansa.
00:41Kabilang sa mga serbisyong inialok ang medical assistance, counseling, skills training at job opportunities.
00:48Tampok din sa programa ang Balik Turo, A Hero's Journey Home, initiative ng DepEd na layon lamang na tulungan ang
00:56mga gurong Pilipino na nawala ng trabaho sa ibang bansa na muling makapasok sa local workforce.
Comments