00:00Pinalagahan ng Davao City Government ang plano ng Amerika na maglagay ng oil depot o imbaka ng langis sa Davao
00:05Region.
00:06Ayon sa Davao City LGU, hindi sila sang-ayon sa anumang planong pagtatayo ng dayuhang military facilities sa kanilang lungsod.
00:13Kung hindi raw makatutulong ang proyekto sa pagbaba ng presyo ng langis at imapambilihin, hindi raw ito susuportahan ng lokal
00:20na pamahalaan.
00:21Ang pahayag ng Davao City LGU ay kasunod ng sinabi ng Armed Forces of the Philippines na plano ng Amerika
00:27na magtayo ng fuel storage facilities sa Davao sa 2028.
00:32Ang Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Roy Vincent Trinidad, saklaw ito ng Visiting Forces Agreement at Enhanced
00:40Defense Cooperation Agreement o EDCA ng Pilipinas at Amerika.
00:44Giit ni Trinidad, Pilipinas pa rin ang may-ari at may-control sa mga pasilidad katuwang ang Amerika.
00:50Layunin daw nitong palakasin ang kakayahan ng AFP na tumugon sa kalamidad at panatilihin ang seguridad sa regyon.
Comments