00:00Mahigit 400 billion pisong pondo ang kailangan para suportahan hanggang Desyembre ang mga apektado ng krisis sa langis
00:07kung patuloy ang gyera sa Middle East ayon sa Department of Economy, Planning and Development.
00:13Ang best case scenario naman na nakikita ng Department of Energy,
00:16mangyayari lamang kung magkakaroon ng pangmatagalang kasunduan ng Amerika at Iran.
00:22Balitang hatid ni Ian Cruz.
00:26Ilang beses nang sinabi ng Department of Energy,
00:29pumupa man ng tensyon sa kitnang silangan,
00:31malabong bumalik sa dating level ang presyo ng petrolyo bago sumiklab ang gyera.
00:36Ang best case scenario anila,
00:39pabalik lang sa P75 to P90 pesos per liter ang diesel,
00:43malayo sa dating P48 to P65 pesos per liter bago atakihin ng US at Israel ang Iran noong Pebrero.
00:51Bababa raw sa P62 to P75 pesos per liter ang gasolina,
00:56mas mataas pa rin sa dating P50 to P74 pesos per liter bago ang gyera.
01:02Sa presentasyon ni DOE Undersecretary Alessandro Sales
01:05sa pagdinig ng Joint Committee ng Kamara na Legislative Energy Action and Development o LEED,
01:13mangyayari lang daw ito kapag nagkaroon ng long-term agreement ang Amerika at Iran.
01:18But this will take a couple of months for the price to ease back to those levels.
01:27So this will still be higher than our pre-crisis pricing.
01:33And this is primarily due to structural damage in the Middle East in terms of facilities
01:39and the moving around of logistics to bring crude oil to the market.
01:44Ayon sa Department of Energy, malaking bagay talaga ang pagbuti ng sitwasyon sa gitnang silangan
01:51dahil sa unang pagkakataon, pitong linggo, matapos magsimula ang gulo sa Middle East,
01:56magkakaroon ng mega oil price rollback.
01:59Sa pagdinig naman ng Senate Protect Committee o Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy,
02:08natanong ang DOE kung bakit hindi tayo kumukuha ng langis sa Rasya.
02:13Binanggit ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro ang pagpataw ng United Nations ng trade sanctions sa Rasya
02:20matapos itong lusubi ng Ukraine noong 2022.
02:23Bakit nga kailangan magpaalam sa US? Because time is of the essence eh.
02:29There were sanctions imposed by the United Nations and only the United States can lift or exempt those sanctions.
02:37And therefore, our Philippine Embassy in Washington DC, particularly Ambassador Babes Romualdez,
02:43has been negotiating with two departments, Department of State and Department of Treasury.
02:48Susubukan na rao ng gobyernong bumili ng langis sa Rasya pero hindi sila nakahanap ng tamang buyer.
02:54But there is no prohibition for PNOC to order oil from Rasya at any time. Wala nang paalam-paalam.
03:02As a state, I guess, Mr. Chair, you could say that. We just follow the diplomatic channels, Mr. Chair, as
03:08government to government.
03:09Kinang kalang magpaalam pa rin.
03:11Inilahad ni DOE Secretary Green ang pangamba ng mga oil company na bumili ng langis mula sa Rasya.
03:17For our private companies, they don't want to buy unless it's lifted kasi baka sila habulin daw ng US, Mr.
03:25Chair.
03:26So they wanted the clearance before they buy.
03:30Sa pagtataya naman ng DepDev o Department of Economy, Planning and Development,
03:37sakaling lumala pa ang tensyon sa gitnang silangan,
03:40ang lampas nitong Hunyo, kakailanganin ng 429 billion pesos na pondo bilang suporta sa mga vulnerable sector hanggang Disyembre.
03:49Kasama rito ang para sa fuel subsidy, service contracting program at iba pang para sa sektor ng transportasyon.
03:57Gayun din sa mga magsasakat, maingisda para masiguro ang food security.
04:02Nakapailalim din dito ang panukalang dagdag na 1,500 pesos para sa mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino
04:12Program
04:12at ayuda sa tinukoy na mga nangailangan na hindi pa kasama sa 4Ps.
04:18Kung sakali, sabi ni DepDev Secretary Arsenio Balisakan,
04:22mas maiging mag-realign ng pondo mula sa ibang programa na hindi pa masyadong kailangan.
04:28Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
Comments