00:00Nasa 8,000 tricycle drivers at operators ang bibigyan ng 5,000 pisong ayuda sa Quezon Memorial Circle ngayon.
00:09Sila ang mga hindi pa nakakatanggap noon ng cash aid ng gobyerno.
00:13May una balita live si Alan Gatos ng Super Radio DCWB.
00:16Alan?
00:18Igan, nagsimula na ang special payout ng ayuda ng DSWD para sa mga super at operator ng tricycle
00:24na hindi nakasama sa naunang pamamahagi ng tulong sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
00:30Nasa 8,000 super at operator ng tricycle na nakatakdang mabigyan ng 5,000 pesos na ayuda.
00:36Sakop nito ang mga tricycle driver mula sa mga lungsod ng Quezon, Marquina, Pasig at San Juan.
00:42Ikinatuan naman ito ng mga super na nagsabing malaking bagay na rin ito sa gitna ng mataas na presyo ng
00:48produktong petrolyo.
00:49Samantala mamayang hapon, magkakaroon din ng special payout para sa mga unclaim o hindi nakuhang ayuda
00:56dahil sa kabiguan ng mga super na magpakita ng sapat na requirements.
01:00Tinatayang aabot sa 4,000 na super at operator ng tricycle ang kasama sa listahan.
01:06Igan?
01:07Maraming salamat, Alan Gatos ng Super Radio DCWB.
Comments