Skip to playerSkip to main content
Si Davao City Mayor Baste Duterte ang opisyal nang presidente ng PDP-Laban. Tingin ng isang kongresista, "Plan B" si Mayor Baste sakaling ma-convict sa impeachment trial ang kapatid niyang si Vice President Sara Duterte. 


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Davao City Mayor Baste Duterte ang opisyal ng Presidente ng PDP Laban.
00:05Ang tingin ng isang kongresista, Plan B si Mayor Baste sakaling makonvict sa impeachment trial
00:10ang kapatid niyang si Vice President Sara Duterte.
00:13Sa C, si Mark Salazar.
00:19Nanumpana bilang Presidente ng PDP Laban si Davao City Mayor Sebastian Duterte.
00:24Ayon sa National Spokesman ng PDP na si Attorney Ferdinand Tupacio,
00:28matagal na nagsisilbing PDP Laban President si Duterte.
00:32Actually po si Mayor Baste has been the new President for a while.
00:36Last year pa po nung nag-file ng leave si Sen. Robin Hood Padilla
00:41para mag-concentrate siya sa kanyang legislative work.
00:45Si Mayor Duterte rin ang pangunahing convenor ng Reform Alliance for Good Governance and Accountability
00:51o RAGE Coalition na inilunsat kahapon.
00:54Ang RAGE Coalition ay isang multisectoral alliance na binubuo ng iba't ibang grupo
01:00na layong isulong ang reforma, transparency at pananagutan sa pamahalaan.
01:05Layunin din ang koalisyon na pag-isahin ang magkakaibang sektor sa panawagan
01:09laban sa korupsyon, pagtaas ng presyo ng bilihin at pang-aabuso sa kapangyarihan.
01:14Sa kanyang talumpati, binatikos ni Mayor Duterte si Pangulong Bongbong Marcos
01:19at inungkat ang isyo ng maanumalyang flood control projects.
01:23Sa nagbukas nang usapin ng flood control na may mga ghost project,
01:29kaya ako tumahimik talaga.
01:32Kasi hinayaan ko na mag-self-distract yung a** yan.
01:36Kasi alam kong sasabok sa mukha na yan.
01:39Pag ikaw eksekutibo,
01:40you cannot point at someone else for the mistakes of your administration.
01:51Responsibilidad mo yan,
01:53ibig sabihin,
01:55either di ka nag-iisip,
01:57kukulang ka sa pag-iisip,
01:58o hindi mo talaga gusto yung trabaho mo.
02:01Sagot dyan ang palasyo,
02:03hindi yan ang pananaw ng Pangulo.
02:05Nais daw ng Pangulo na managot
02:06ang dapat managot sa maanumalyang flood control projects.
02:09Dahil galing yan sa pondo ng bayan.
02:12Ang pagpapaimbestiga sa maanumalyang flood control projects
02:16ay self-destruction para sa Pangulo.
02:19Parang kakaiba po yata ang kanyang pananaw.
02:22Ang Pangulo po,
02:22kahit maapektuhan at matamaan ng kanyang administrasyon,
02:26kahit ang kaalyado man niya ay kaibigan niya
02:28o kamag-anak niya ay maapektuhan,
02:31ipagpapatuloy po ang pag-iimbestiga sa flood control projects.
02:34Bakit?
02:34Dahil ito po ay pondo ng bayan
02:37na dapat i-report sa bayan.
02:39Kung mayroon dapat na managot,
02:41iyan ang naisang Pangulo.
02:42Sa paglulunsad ng RAGE Coalition,
02:45pinalutang din ni Sen. Robin Padilla
02:47ang posibilidad ng pagiging future president daw ni Mayor Duterte.
02:51Walang pinakamagandang mamuno sa atin,
02:54hindi isang Duterte.
02:58Kung mayroon tayong future president na indahin Sarah Duterte,
03:04makakaroon din tayo ng future president pa na Baste Duterte.
03:09Tingin tuloy ni House Deputy Minority Leader at Act Teachers Party List Representative Antonio Tino,
03:15posibleng si Mayor Basterao ang plan B
03:18sakaling ma-impeach at makonvict si Vice President Sarah Duterte.
03:21Kasama kasi sa parusa ang perpetual disqualification from holding public office.
03:27So, pinapakita na siguro kabado ang kampo ng mga Duterte
03:34na maaring ma-impeach at magtuloy-tuloy at makonvict sa Senado ang Vice Presidente.
03:42Kaya, ngayon pa lang ay meron ng pinoprontang plan B ang mga Duterte.
03:50Magpapatakbo sila ng isa pang kandidato at ito ay si Baste.
03:55Kaya, ginawa siyang presidente ng PDP at meron pa ngayong binuong koalisyon.
04:02Ito ay para bigyan ng national platform ang isa pang Duterte.
04:08Matapos naman ang limang buwang hindi pagpapakita sa publiko ni Sen. Ronald Bato de la Rosa,
04:14nagpadala siya ng audio message na pinarinig sa pagtitipo ng Rage Coalition.
04:19Sa panahon ito, hindi nasapat ang kanyang-kanyang laban.
04:23Kailangan natin ang isang timi, isang direksyon at matibay na panunyong ligan
04:30laban sa katiwalaan, pag-aabuso at mga hakbang na naglalayong patahibigin ang oposisyon.
04:39Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
04:42Kailangan natin ang inyong saksi.
04:44Kailangan natin ang in視
04:45fantasy. Kailangan
04:46natin ang in Kailangan
04:46natin ang in Kailangan
04:47natin ang esthte Kailangan
Comments

Recommended