Skip to playerSkip to main content
Inihayag ng NBI na naglalaman ng nakalalasong cyanide ang mga boteng nasabat nitong Marso mula sa isang Chinese fishing boat malapit sa Ayungin Shoal.


Hinala ngayon ng Philippine Navy, nais ng mga Chinese na lasunin ang lamang-dagat at tubig na pinoproseso ng mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inihayag ng NBI na naglalaman ng nakalalasong cyanide ng mga boating nasa bat nitong Marso
00:05mula po sa isang Chinese fishing boat malapit sa Ayungin Shoal.
00:10Hinala ngayon ng Philippine Navy.
00:11Nais na mga Chinese na lasunin ang lamang dagat at tubig
00:15na pinoproseso ng mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.
00:21Nakatutok si Chino Caston.
00:29Gabi ng October 24, 2025, nadatnan ng Philippine Navy
00:33ang isang Chinese sampan o fishing boat
00:35limangpung metro mula sa nakasadzad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
00:40Kaaahon lang noon ng isang Chinese diver na nagtatangkang sumakay ng sampan.
00:46Nang palapit na ang mga Pilipinong sundalo,
00:49pinaandar ng mga Chino ang makina ng sampan para tumakas.
00:53Pero napigilan sila ng mga taga-Philippine Navy.
00:57Isa lang ito sa tatlong pagkakataong may nasabat na mga Chino
01:00ang Philippine Navy noong 2025.
01:03Naulit din yan nitong March 2026.
01:06Sa mga insidente niyan, nasabat ang ilang boteng plastic
01:09na may kahinahinalang laman.
01:11Nakumpirma kung ano ito nang ipasuri sa National Bureau of Investigation o NBI.
01:16The water sample gave positive results for the presence of cyanide,
01:22which is a violent poison.
01:25Uncontrolled usage of cyanide can lead the ecosystem of balance,
01:31since it's a strong toxicant.
01:34Hinala ng Philippine Navy,
01:36pakay ng mga Chinese na lasunin ang cyanide,
01:38ang lamang dagat at tubig na pinuproseso ng mga sundalo para mainom.
01:43This is a deliberate attempt not only to destroy the environment
01:47but to deprive the men aboard the ship of possible source of food and water.
01:54The effects on the health of the men is our primordial concern.
01:59With just desalination process, possible na nandoon pa rin siya
02:03but if there will be an oxidation process, then pwedeng mawala na po yung cyanide.
02:09Sa mga litrato ng mga bahura sa Ayungin Shoal,
02:13kita ang umano'y epekto ng cyanide fishing.
02:16Nakasisira rin umano sa bahura tuwing nag-iiwan ang fishing net ng mga Chinese
02:20para pahirapan ang pagpasok ng resupply vessel papuntang BRP Sierra Madre.
02:25Hindi na raw hinuli ang mga Chinese dahil wala namang lagayan ng mga detainees sa BRP Sierra Madre.
02:30Mahirap rin silang dalhin sa Palawan para masampahan ang reklamong illegal fishing
02:35kaya itinataboy na lang papalayo.
02:37Pero ang tanong, pwede na bang iugnay sa Chinese government
02:40ang pinaggagawa ng mga manging isdang Chino sa Ayungin?
02:44These are CMMV vessels deploying sumpans using cyanide around Ayungin Shoal.
02:54So, we cannot 100% attribute it because it will take better assessments
03:03and we can only see the facts that is, one, as I've said,
03:11the Chinese maritime militia vessels are under the PLA Navy.
03:19Sinusubukan pa namin makuna ng bahayag ang Chinese embassy kaugnay nito.
03:24Pagsira din ang kalikasan ng naging bataya ng Pilipinas sa paghain ng kaso laban sa China
03:29na nauwi sa 2016 arbitral ruling.
03:33Lahat ng mga video, litrato, laboratory examinations,
03:37mula sa mga insidente noong Oktubre at ngayong Marso,
03:40ay naisumiti na rin sa Department of Foreign Affairs
03:43para sa posibleng paghahain ng diplomatic protest
03:46o anumang legal action laban sa China sa hinaharap.
03:50Sino gasto na katutok? 24 oras.
Comments

Recommended