00:00Naging mapayapa at makabuluhan ang pagdiriwan ng araw ng kagitingan sa Cotabato City.
00:05Kung ano-ano ang mga aktividad doon, alamin natin sa report ni Tricia Aragon ng PTV Cotabato.
00:14Payapa at makabuluhan ang seremonyang isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng araw ng kagitingan
00:20sa pagtutulungan ng Cotabato City Police Office, Office of the City Veterans
00:25at iba pang mga opisyal na bisita dito sa Veterans Office sa Rosary Heights 7, Cotabato City.
00:32Ginugunita ang araw ng kagitingan para parangalan ang walang kapantay na tapang
00:37na mga bayani na ipinagtanggol ang kalayaan ng bansa sa harap ng matinding pagsubok.
00:44Kinikilala sa araw na ito ang mga sundalong Pilipino, mga veterano at ang mga nagbuwis ng buhay
00:51para ipagtanggol ang ating kalayaan.
00:53Kinikilala rin ang mga ordinaryong mamamayan na nagpakita ng katapangan sa panahon ng digmaan.
01:01Ang araw na ito ay pag-alala sa katapangan at sakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo
01:08na lumaban sa panahon ng World War II, lalo na sa bataan 10th March matapos ang pagbagsak ng bataan noong
01:161942.
01:17Nagsisilbing paalala ang araw ng kagitingan sa lahat na ang ating lahi ay handang ibuwis ang buhay para sa inaasam
01:26na kalayaan.
01:27Ang araw ng kagitingan ay paalala sa lahat na ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon ay hindi nakuha ng madali.
01:35Ito ay pinahirapan at pinagbayaran ng buhay ng mga bayani.
01:40Mula dito sa PTV Cotavato Regional Center, Trisha Aragon para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments