00:00Nasa mahina hanggang katamtamang El Niño ang posibleng maranasan sa bansa ayon sa pag-asa.
00:06May paalala naman ang hensya sa publiko para maibsaan ang epekto nito.
00:11Yan ang ulat ni Rod Lagusan.
00:14Mas maraming malalakas na bagyo na pawang typhoon at super typhoon category
00:19na susunda ng tagtoyot ang inaasahang mararanasang epekto ng posibleng El Niño sa bansa ayon sa pag-asa.
00:25Paliwanag ni Pag-asa Climate Monitoring and Prediction Section Chief Analyza Solis,
00:30maaaring mahina hanggang katamtaman na El Niño ang maranasan.
00:33Kumpara ito sa ibang model na nagsasabi na magkakaroon ng malakas na El Niño o super El Niño.
00:39Anya sa ngayon, maliit pa ang tsansa na mangyari ito.
00:42Possible din po na magiging significant siya kasi kung titignan natin,
00:46no two El Niños are alike, whether weak, moderate or strong El Niño.
00:51Yung karakteristik kasi ng ating mga bagyo during El Niño ay mostly ay of typhoon and super typhoon category.
00:59So ibig sabihin, kahit hindi yan maging strong El Niño, weak or moderate,
01:04ganun pa rin po yung karakteristik ng ating bagyo.
01:07Ito'y lalo na sa panahon ng habagat, kusaan nagla-landfall o tumatama sa kalupan ang mga bagyo.
01:12Kaugnay nito, inaasahan na may mga lugar na makakaranas ng matitinding pagpulan.
01:17Una na naglabas ang pag-asa noong nakaraang buwan ng El Niño Watch dahil sa posibilidad ng El Niño,
01:22kusaan inaasahan ang pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng El Niño sa mga buwan ng Hulyo, Agosto at Setiembre.
01:29Dagdag ni Solis, dahil sa kasalukuyang naobserba ang pag-init o pagtaas ng temperatura ng dagat,
01:35nagiging dahilan nito sa pagkakabuo ng mga bagyo,
01:37gaya nila ng posibleng super typhoon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.
01:43Paliwanag ni pag-asa weather specialist Charmaine Marie Varello,
01:46mababa ang tsansa nito na mag-landfall dahil maaari itong mag-recurve o lumihis ng direksyon
01:51na kadalas ang track ng mga bagyo sa ganitong panahon.
01:54Habang nasa karagatensya, andyan yung posibilidad na lalo yung humakalap ng moisture,
02:00therefore, mas mag-i-intensify pa ito sa mga susunod na araw.
02:03So, probably by within 24 hours, ay maging isa na itong tropical storm.
02:09And patuloy pa yung lalakas at maaaring umabot up to typhoon
02:14at hindi natin din nirurule out yung pagiging super typhoon nito.
02:17Ayon sa pag-asa, isang bagyo lang ang inaasahan para sa buwan ng Abril.
02:22Rod Lagusad, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments