00:00Nagsimula na ang pamamahagi ng cash aid ng gobyerno sa mga tricycle driver sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:06Mahigit 2,000 tricycle driver sa Dagupan, Pangasinan ang nakatanggap ng 5,000 pisong ayuda ng DSWD.
00:14Nagkaroon din po sila ng pagkakataon na makabili roon ng 20 pisong kada kilo na bigas.
00:21Namigay na rin ng 5,000 piso sa mga tricycle driver dyan sa San Carlos, Pangasinan.
00:2617,000 tricycle driver naman ang nakatanggap sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
00:32May pamamahagi rin po sa iba pang bahagi ng Hilagang Luzon kasama ang La Union at Ilocos Provinces.
00:39Sa Visayas, naipamahagi na rin ang cash aid sa halos 600 tricycle driver sa Cebu City.
00:45Plano ng ilan sa kanila ipambili ito ng isang sakong bigas at ang natitira ay para sa pagpapakarga ng gasolina.
00:52May ilan namang nasa listahan sa Lapu-Lapu, Cebu ang inalis matapos mapag-alamang double entry.
00:59May ilan ding hong hindi nabigyan dahil wala palang driver's license.
01:03Humihiling naman ng pangalawang batch ng pamamahagi ang ilang tricycle driver na hindi rin nakatanggap ng ayuda sa Talisay, Cebu.
01:11Sa Mindanao, hindi naman nabigyan ang ilang tricycle driver sa Davos City dahil wala raw sila sa listahan.
01:17Ayon sa City Social Welfare and Development Office, mahigit apat na raan ang nasa master list at ipinagbigay alam nila
01:24ito sa pamamagitan ng text messaging.
01:27Pero ang ilan daw sa nakatanggap sa text ay wala rin sa master list.
01:32Paliwanag ng DSWD Region 11, nakadepende lang ang kanilang listahan sa ibinigay ng lokal na pamahalaan.
01:43Paliwanag ng Dima
Comments