00:08Ito naman mga ka-RSP, dahil sa panahon natin ngayon, ramdam na ramdam na natin ng tag-init at delikado
00:14ito, lalo na sa mga may blood disorder gaya ng hemophilia.
00:18Kaya pag-uusapan natin kung paano natin may iwasan niya ngayon.
00:22Ngayon National Hemophilia Awareness Month, pag-uusapan po natin ito kusama ang hematologist na si Dr. Rico Paolo Gomez T.
00:30na live via Zoom. Dok, magandang umaga po sa inyo.
00:34Magandang umaga din po. Kumusta po sa ating mga tagapakinig?
00:38Dok, good morning. Pakit paliwanag nga po sa amin, ano po ba itong hemophilia at gaano na po ba karami
00:44o gaano na po karami ang kaso nito sa Pilipinas ngayon?
00:49Ang hemophilia, isa po itong sakit sa dugo.
00:53Ang nangyayari po dito, tayo, yung mga pasyente na mayroong hemophilia, hindi nakakagawa ng mga protina na kailangan natin para
01:02umampat ang pagdurugo.
01:04So, ang nangyayari, nagkakaroon ng bleeding o pagdurugo doon sa mga lugar na hindi lagi dapat nagkakaroon ng ganitong pagdurugo.
01:13Kagaya sa mga joints, mga dugsungan ng buto, o sa mga cells, nagkakaroon din sila ng pagdurugo.
01:18Ngayon, dahil hindi naman natin nalilista lahat ng mga pasyente na may hemophilia sa bansa,
01:24doon sa huli natin paglilista nitong mga early 2020s, nakita natin na around 1,600 plus patients ang mayroong hemophilia
01:33sa buong Pilipinas.
01:34Pero, ayon sa pagtataya natin, kasi baka hindi lang natin akukuha lahat, no?
01:39Ayon sa pagtataya natin na as many as around 60,000 plus patients ang mayroong hemophilia sa buong bansa.
01:48Okay, Doc, kapag may sugat po ang batang merong hemophilia, paano na iiba yung pagdurugo kumpara sa normal na pagdurugo?
02:00So, ang mga may hemophilia, kapag nagdugo sila, kunwari, nasugatan.
02:04So, kung sila'y nasugatan, nagdudugo, sa simula, umaampat naman yung pagdurugo.
02:10Pero, pagtagal, paglaon, medyo lumalabas na naman, nagkakaroon na naman ang pagdurugo.
02:16Kahit na ba sa simula, medyo umampat na, nagkakaroon na naman ang pagdurugo.
02:20Yun yung una.
02:21Pangalawa, itong mga may hemophilia din, hindi nagtudugo doon sa mga karaniwan.
02:26Kunwari, yung nag-toothbrush.
02:28Although, minsan may nagtudugo, pero hindi masyado doon ang mga pagdurugo nila.
02:32Ang kakaiba sa kanila, nagdurugo sila doon sa mga kakaibang lugar,
02:36gaya kunwari sa joints, dito sa shoulders, dito sa elbows, sa tuhod,
02:42na dapat naman hindi ka nagkakaroon ng bleeding doon.
02:45O kaya sa muscle, dapat yan, protectado-protectado yan,
02:48hindi ka dapat nagkakaroon ng bleeding dyan.
02:50Pero ang mga may hemophilia, doon sa mga ganong kakaibang lugar,
02:53nagkakaroon ng bleeding o pagdurugo.
02:55Okay.
02:56Doc, just to confirm po, majority na nagkakaroon nito ay kalalakihan.
03:00Bakit po? Bakit po lalaki ang madalas na magkaroon nito?
03:04So, tama, no?
03:05Karamihan ang hemophilia nasa mga lalaki.
03:07Ito ay dahil sa yung mga instructions
03:10para makagawa tayo ng mga proteinang pampaampat.
03:13So, yun yung nasa tinatawag nating genes, no?
03:16So, genes o genetic.
03:18Ang genes, yung mga instructions
03:20para tayo yung kumuha ng mga pampaampat na proteinan,
03:23nandun sa tinatawag nating X chromosome.
03:26So, X chromosome, lahat tayo, lahat ng mga tao, mayroon itong chromosomes na ito.
03:32Ang mga lalaki, sila ay may X at Y na chromosome.
03:37At ang mga babae naman ay dalawang X chromosome ang meron.
03:41Ngayon, kung nakulangan tayo ng instructions,
03:44na wala yung genes, yung instructions
03:46para kumuha tayo ng mga pampaampat na proteinan,
03:49sa X chromosome,
03:51So, sa lalaki, matanggalan lang ng gano'ng instructions sa X chromosome,
03:55wala na silang backup, no?
03:57Kaya, lalabas na agad yung hemophilia sa kanila.
04:01Sa mga babae naman,
04:03kung mabawasan ng instructions dun sa isa na X chromosome,
04:07may backup pa.
04:08Meron pa kasing isa na X chromosome.
04:10Kaya, nakakaroon man ng pagduragawa ng breathing,
04:13pero hindi kasing lala.
04:14Dahil meron pang backup.
04:16Kaya, karaniwan, lalaki ang mayroon talagang hemophilia.
04:19Hmm. Alright.
04:20Well, Doc, kung sakaling magdugo ang pasyente na mayroong hemophilia,
04:26ano po ba yung dapat naunang gawin bilang first aid?
04:32So, yan, it'sa nangyayari, no?
04:35Ang ginagawa natin kapag, kunwari,
04:38ang mga patients na may hemophilia,
04:39nagkakaroon ng mga bleeding,
04:41pagdurugo,
04:41pinapaampat,
04:42naglalagay tayo dinitina,
04:44nagkakaroon tayo ng pressure,
04:45or kung ang pagdurugo naman ay nandoon sa mga lugar na kakaibage,
04:50nasa tuhod,
04:51nasa shoulders,
04:52nasa elbows,
04:53doon nagkakaroon ng mga pagdurugo.
04:56So, una, pinapahinga,
04:57lalo na kung kunwari nasa tuhod,
04:59ipapahinga muna para hindi ma-stress,
05:02hindi magkaroon ng dagdag na injury,
05:04na dagdag na problema doon sa tuhod o doon sa joints.
05:09Nilalagyan ng yelo para umampat yung pambaga na nandoon.
05:14Or minsan, may mga gamot din na binibigay,
05:17kagaya po ng mga pain relievers,
05:20o kaya na mga gamot na tumitigil,
05:23nagpapaampat ng pagdurugo,
05:25may mga gamot na pwede din ipigay
05:26para hindi masyado magkaroon ng titi,
05:29para umampat ito.
05:31Okay.
05:31Doc, ano-ano po yung mga epekto
05:32ng hemophilia sa kalusugan ng isang pasyente?
05:35At ano-ano po yung mga komplikasyon
05:37at sakit na maaari magresulta dahil dito?
05:41So, ang hemophilia bilang nagdurugo sila,
05:44so lalo na kapag sobrang matinding yung pagdudugo,
05:47yung mga tinatawag na severe hemophilia,
05:49kasi ito mga pasyenteng ganito,
05:52nagdudugo sila kahit na ba,
05:54walang hindi sila nasugatan,
05:57nandyan lang, no?
05:58Bigla na lang nagdudugo.
05:59May mga ganong type ng hemophilia.
06:01Nakatakot dahil pwedeng magkaroon
06:03ang pagdurugo kung walik sa tiyan,
06:05sa bituka.
06:05So, hindi natin maaampat kasi agad nyo on,
06:09kaya pwedeng maging katastrophic,
06:10ibig sabihin, delikato.
06:12Lalo na kapag ang beating ay nagkaroon
06:14ng pagdurugo sa utak,
06:15yan ay laging natin hindi maaampat
06:17at medyo delikado talaga
06:19para sa mga pasyente.
06:20So, bukod doon,
06:21lalo na kung dire-diretsyo na nagtudugo,
06:24dito sa mga joints,
06:26dun sa mga dugsungan ng buto,
06:27kung kunwari laging nagdudugo sa tuho,
06:30mag-arthritis,
06:31masisira yung dugsungan ng buto,
06:32pag tumagal,
06:34nahikira pa na maglakad ang mga patients,
06:36nagkakaroon na sila ng arthritis,
06:37nararayuma na yung mga dugsungan ng buto.
06:41Hindi na sila naglalakad,
06:42hindi na sila nakakakilo,
06:43so yun ang nagiging mga epekto.
06:46Okay, Doc,
06:48dahil April po,
06:50ngayong April,
06:50ang Hemophilia Awareness Month,
06:51may mga activities po ba
06:53and programs
06:54na nakan-line up
06:55para sa public education
06:57at support?
06:59Apo,
07:00so tara po,
07:00ngayong April,
07:01ang World Hemophilia Awareness Month,
07:05no?
07:05So,
07:06lalo na po ang ating mga
07:07institution sa hematology,
07:10gaya po ng Philippine General Hospital,
07:12ng University of Santo Tomas Hospital,
07:15kaakibat ng mga support groups
07:17para po sa hemophilia,
07:19ay mayroong mga lay education forums,
07:23so sa mga hospital,
07:24nagkakaroon po,
07:25sa hospital lang siya ka online,
07:26nagkakaroon po tayo
07:28ng mga webinars,
07:30mga seminars
07:30para ipakilala
07:31itong sakit na ito
07:32at para naman
07:33bukod sa mga mayroong sakit mismo,
07:36mga mayroong hemophilia,
07:38nagkakaroon ng mga tips
07:40kung paano ba
07:41ang tamang pag-aalaga
07:42para sa mga pasyenteng
07:43may hemophilia.
07:45Ang PhilHealth po,
07:46isa po sa mga sumusuporta din,
07:47sa sakit na hemophilia
07:50dahil mayroong mga benefits
07:52na nakukuha din naman,
07:53lalo na para sa mga pasyenteng
07:55may hemophilia
07:55na na-admit sa hospital.
07:57So may mga proyekto din po
07:59ang pamahalaan natin
08:00para po dito.
08:01Alright, on that note,
08:02maraming maraming salamat po muli.
08:04Nakasama natin
08:05ang hematologist
08:05na si Dr. Rico Paolo Gomez-T.
08:08Thanks, Doc.
08:08Maraming salamat, Doc.
08:10Salamat po.
08:11Salamat po.
08:11Salamat po.
08:11Salamat po.
Comments