00:00Iilulunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board or LTFRB
00:05sa susunod na linggo ang Service Contracting Program
00:09na layong matulungan hindi lamang ang mga pasahero kundi maging ang PUV drivers.
00:15Supportado ito ng ilang jeepney driver at operator
00:18na umaasang magpapatuloy ang programa habang nananatiling mataas
00:22ang presyo ng mga produktong petrolyo.
00:24Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:29Nasa apat-araang piso na lamang ang take-home ng driver na si Ray Escanilla
00:33sa isang araw na pamumasada mula Tandang Sora, Quezon City Hall at Wisayas Avenue.
00:38Dito niya kinukuha ang pang-araw-araw nilang gastusin,
00:41lalo na ang baon ng dalawa niyang anak na high school at college student.
00:45Kaya naman ikinatuan niya ang planong paglumunsa ng LTFRB ng Service Contracting
00:49sa April 15 para sa mga tulad niyang jeepney driver.
00:52Maganda siguro yung programa na yan kung lahat makaka-avail.
00:57Sana agahan na nila yung pagpapatupad.
00:59Bagamat may ilan sa kanyang mga kasamahan ang tumigil na sa pamamasada
01:03kasi sa mataas sa presyo ng langis,
01:05tiniyak niyang magpapatuloy siya para sa kanyang pamilya.
01:08Kasi sabi ko kahit 200 pa yung gas, lalaban pa rin.
01:12Kasi yun lang naman ang trabaho mo, hindi ko naman kaya mag-construction na.
01:17Kailangan kahit 300-200 na lang na sobra, tuloy pa rin.
01:21Samantala, ikinatuwa rin ang isang transport leader ang nasabing plano ng LTFRB.
01:25Umaasa silang magpapatuloy ang programa upang matulungan ng mga jeepney driver
01:29na labis na apektado ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
01:33Maliban dito, inaasahan din na masisiguro ang sapat na bilang ng mga pampublikong jeep
01:38na bumabiyahe at hindi maapektuhan ng mga commuter.
01:41Ang makikinabang po dito sa service contracting, ito yung mga main roads na mahaba po ang daan
01:48at ito po siguro yung mapipili kasi pinipili din po nila yung possible na yung ating mga mananakay
01:56ay nandun nakaruta sa mga maraming sasakay.
01:59Ayon sa LTFRB, may dalawang uri ng kontrata sa programa para sa mga driver at operator ng PUVs.
02:05Ang gross type o libreng sakay kung saan gobyerno ang nagbabayad sa operator
02:10at ang net type kung saan naniningil ang pamasahe ang driver
02:13ngunit may dagdag na insentibo mula sa gobyerno.
02:16Pinipili ang mga ruta batay sa dami ng commuter at koneksyon sa mass transport
02:21kabilang ang EDSA bus carousel at mga rutang may LRT at MRT.
02:26Ipatutupad din ito sa mga lunsod tulad ng Davao at Cagayan de Oro.
02:30Batay sa Memorandum Circular No. 2023-048,
02:34ang mga binipisyaryo ay dapat kasapin ng consolidated entity
02:38na may hindi bababasa sa 10 unit,
02:40may palidong prangkisa at provisional authority
02:42at rehistrado sa LTO na may passenger accident insurance.
02:46Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments