00:00Naital ang kaso ng krimen sa pagunitan ng Semana Santa sa Baguio City mas bumaba kumpara noon na karang taon.
00:06Kapansin-pansin din ang pagbaba ng tourist arrival sa regyon.
00:10Yan ang report ni Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera.
00:17Nagsimula ng magsibalikan ang mga biyaherong lumuwas ng lungsod ng Baguio matapos ang obserbasyon ng Semana Santa.
00:24Ayon sa mga terminal master, dagsaan ang mga biyahero ngunit bumabalik niya ito sa normal matapos ang ilang mga oras
00:31kaya naman inaasahang magbabawas na sila ulit ng mga unit ng bus na babiyahe sa mga susunod na araw.
00:38Sa ngayon po yung babalik galing Manila, medyo normal lang po yung pasero natin.
00:46Sa ngayon po, talagang obligado magbabawas kami, siyempre back to normal tayo.
00:50So, ngayon pa lang, ramdam na namin na konti na po ulit yung pasero po.
00:55Naging mapayapa naman ang obserbasyon ng Semana Santa sa lungsod ng Baguio.
01:00Ayon sa ulat ng Baguio City Police Office,
01:02mas naging maayos at mapayapa ang sitwasyon sa lungsod kumpara sa mga nakaraang taon,
01:08kasabay ng mas mababang bilang ng mga naitalang krimen sa panahon ng Semana Santa.
01:13Sa dating limang naireport na krimen noong 2025,
01:16apat lamang ito ngayong 2026, kung saan sa dating tatlong nailistang kaso ng pagnanakaw,
01:22isa lamang ang naitalang ngayong taon.
01:25We can say that it's generally peaceful, although may mga incidents,
01:29but as far as traffic is concerned, yung peace in order po natin, public safety, we were able to successfully
01:39manage.
01:40Bukod dito, napansin din ang pagbaba sa tourist arrival na inuugnay sa pagtaas ng gastusin sa biyahe
01:47at pagpili ng ilan na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan.
01:52Ang ating tourist arrivals, according to the Baguio Tourism Council,
01:58medyo talagang bumaba ng by as much as 40 to 50 percent.
02:02Yung ating accommodation facilities naman, bumaba sila by as much as 40 to 50 percent, generally.
02:14Talagang medyo hirap tayo in terms of economy.
02:17Ngunit dahil dito, naging mas magaan rin ang daloy ng trapiko sa lungsod
02:21kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2025.
02:25Pero naobserbahan natin this week na mas manageable siya, mas moderate yung mga umakyat.
02:31Napapansin natin na mas bumaba yung mga incidents natin
02:34kasi generally attributed yung number of traffic incidents natin
02:38or yung mga road crash incidents natin sa dami ng vehicles talaga na dumadaan sa mga kalsada.
02:44Sa kabila nito, nananatiling nakaantabay ang mga otoridad
02:47sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa buong lungsod.
02:52Patuloy namang minomonitor ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon
02:56upang mas mapabuti pa ang mga hakbang sa susunod na mga pagdiriwang
03:00at peak travel periods lalo na ngayong summer vacation 2026.
03:06Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments