00:00Walang patid ang pagsuporta ng pamahalaan para sa mga Pilipinong naipit sa tensyon sa Middle East
00:07sa katunayan inilunsag ngayong araw ng pamahalaan ng isang one-stop shop
00:12ng mga servisyo at tulong para sa kanila.
00:15Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balida.
00:20Hindi natatapos sa pag-repatriate ang hakbang ng gobyerno para sa mga OFW na naapektuhan ng gulo sa Middle East.
00:27Tinututukan din ang pagtulong sa kanila na makapagsimulang muli.
00:31Katunayan ngayong araw inilunsad ang bagong Pilipinas Bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa
00:36National Reintegration Network Fair o BBMNRN.
00:40Layunin ng programa na magbigay ng isang one-stop shop na servisyo para sa mga repatriated overseas Filipino workers
00:47at kanilang mga pamilya upang matuluan silang muling makabangon at makapagsimula.
00:52Sa ilalim yan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang Pilipino ang may iwan.
00:57Nakabatay ang programa at mga servisyo sa Kaalaman, Kabuhayan at Kalinga o KKK Reintegration Framework.
01:04Tampok dito ang 15 private recruitment and manning agency at 13 local employers and companies.
01:10Nasa 5,000 job opportunity ang bukas para sa mga apektadong OFW.
01:15Kami sa Department of Migrant Workers, handa po kami ang isa sa strengths namin yung tinatawag na job matching na
01:23sinasabi ni Mayor Joy.
01:25Tayo po ay merong at least 200,000 job orders na nakaabang for work abroad para dun sa mga nagmamatch
01:33ng skill sets na mga nanunumbalik.
01:35So sinuri ho namin kasi nandun nga yung maagap na survey ni Admin PY at nakita namin yung mga skill
01:43sets.
01:44Minatch namin sa mga job orders at ang bilang more or less ay 200,000 ng job orders.
01:50Kaya't itong mga job fairs, mga virtual or face-to-face job fairs na isasagawantin natin ay napipinto lamang po.
01:59Ayon sa OWA, may mga OFW pa rin ang gustong manumbalik sa pagtatrabaho abroad, habang ang iba naman ay gusto
02:06nang manatili dito sa Pilipinas.
02:08Pagtitiyak ng ahensya, ano man ang nais ng mga OFW ay handang umagapay ang gobyerno.
02:13So lahat ito na-address ng ating National Reintegration Network na meron tayo dito ngayon.
02:1922 different government agencies nagbibigay ng tulong.
02:23Ang reintegration ay hindi kaya ng isa lang ahensya.
02:26Yan ang bilin ng ating mahal na Pangulo.
02:29Sama-sama, bayanihan para tulungan yung ating mga OFWs.
02:33Masaya naman ang ilang repatriated OFW dahil ang oportunidad na ang lumapit sa kanila.
02:39Napakalaking bagay sa amin bilang ina.
02:43Na makakatulong sa amin pang araw-araw.
02:46Dahil ito lang naman talaga ang kailangan namin na makapagtrabaho, makahanap buhay.
02:53Na hindi hihinto na may mapakain kami araw-araw para sa magiging future sa mga anak namin.
03:02So napakalaking tulong to.
03:04Sobra po kami nagpapasalamat simula po sa pagpapauwi sa amin.
03:09Hanggang ngayon pagbibigay ng trabaho talagang hindi po kami pinabayaan.
03:12Sinabi ng DMW na sa ngayon ay nasa mahigit 4,000 OFW na ang narepatriate at magtutuloy-tuloy pa rin
03:19ito hanggat may mga Pilipinong gustong umuwi sa Pilipinas.
03:23Kenneth Pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
03:28Pilipinas.
Comments