00:01Si Inalubong at ipinagdiwang sa mga probinsya ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Jesus.
00:06Katarungan at kapayapaan sa gitna ng Giyara sa Middle East,
00:09ang panawagan ngayon ng Simbahang Katolika.
00:12Nakatotok si Bama Legre.
00:18Pinatunog ng kampana ng Holy Trinity Parish sa Loaibohol
00:21sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
00:24Nagdaos ng misa at pagsasadula ng Salubong o ang pagkikita ni Jesus at Birhing Maria.
00:29Tuwing Semana Santa, inaabangan sa Bayan ng Luay ang hugos kung saan tampukang isang heganting pelikan.
00:35Pagkatapos itong tukain ang sariling tiyan, may dalawang anghel nalilitaw.
00:39Ang unang anghel, aalisin ng itim na belo ni Maria.
00:42Habang ang ikalawang anghel, papalitan ito ng corona.
00:47Mga batang nakabihis anghel at nag-alay ng mga awit ang nanguna sa Salubong, Salawag City, Locos Norte.
00:55Coronadal City.
00:58At sa Malbataan.
00:59Sa Cebu, may mga pagtatanghal para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
01:03Kabilang riyan ang pagsasadula sa pagkabuhay ni Jesus at sayaw ng ilang mga nakabihis anghel.
01:08Ngayong Easter Sunday, hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipinong nagdiriwang na muling pagkabuhay ni Jesus
01:13na magkaisa at piliin ang pagiging mabuti.
01:17Dahil kapag nagkaisa raw ang mga Pilipino na ginagabayan ang pananampalataya at pagmamahal sa bansa,
01:22malalagpasan daw natin ang lahat ng hamon.
01:25Mensahe naman sa mga deboto ni Pope Leo XIV nitong bisperas ng Pasko ng Pagkabuhay,
01:30huwag maparalisa o masanay sa mga kaguluhan nangyayari sa mundo.
01:33Dapat daw gamitin nating ehemplo ang mga santo na lumaban para sa hostisya.
01:38Inanyayahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Alvincula
01:41ang mga Katoliko na labanan ng mga puot at galit sa gitna ng gulo sa Middle East.
01:46Pati ang pagtanggi sa aniya ay globalization of indifference at ang normalization ng genocide.
01:51Umapila siya sa pananagutan, walang humpay na paghangad ng hostisya
01:54at agarang aksyon para mapawi ang paghihirap ng mga tao.
01:58Bam Alegre, Nakatutok 24 Oras.
Comments