00:00Sa gitna po na uwian ng mga nagbabakasyon o umuwi sa probinsya nitong Semana Santa,
00:05may disgrasya pa sa Occidental Mindoro nang sumadsada ang isang pampasaherong barko.
00:10Ligtas ang magit isang daang pasahero at crew nito.
00:14Mula sa Batangas Port, nakatutok live sa Bam Alegre.
00:19Bam?
00:23Pia, magandang hapon. Easter Sunday, back to reality na yung maraming mga kapuso natin na nagbakasyon.
00:28Dito sa Batangas Port ay walang insidente pero kaninang umaga sa Nasugbu Port,
00:32isang barko na may capacity na 160 passengers ang sumadsad.
00:40Kakaalis pa lang mula sa Tilig Port sa Lubang Occidental Mindoro
00:43nang sumadsad ang pampasaherong barko na MV Our Lady of Fatima, pasado las 7 ng umaga kanina.
00:50Papunta sa Nasugbu Port sa Batangas ang barko.
00:53Pinasok ng tubig dagat ang hull ng barko.
00:55Sa rescue operation ng Philippine Coast Guard, nasagip ang 162 na pasahero at 7 crew nito.
01:02Hinihintay pa ang advisory ng shipping line kung paano ang accommodation
01:05at travel arrangements ng mga apektadong pasahero.
01:08Sabi ng PCG, hindi overloaded ang barko.
01:11Wala namang nakita ang oil sheen sa paligid na nasa labas umano ng Marine Protected Area.
01:16Sa gitna ng investigasyon, inirekomenda ng PCG sa Maritime Industry Authority o Marina
01:20na suspendihin muna ang passenger's ship safety certificate ng barko.
01:25Sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro, nagsimula na magsiuwihan ang mga turistang doon piniling mag-holy week break.
01:31No regrets sa rider barkada ni Carlo Labrador na nag-ride sa Puerto Galera.
01:36Mahal ang gasolina, oo, pero priceless naman.
01:39Aniya ang naging bonding nila.
01:40Yung ganda ng Puerto, wala. Yung gasos ninyo, di mo na masasabi na masakit.
01:46Di rin makag-get over si Marisa Estomagio sa Galera Getaway nilang high school classmates.
01:51Kung bibigyan kami ng pagkakataong ulit na pumalik sa Puerto Galera,
01:56ay amin ulit gagawin kasi ibang kasiyahan talagang may bigay, lalo't kasama mo ang iyong mga kaibigan.
02:04Pagdating sa Batangasport, dagsa ang mga nagbakasyon sa iba't ibang probinsya sa Mimaropa, Visayas at Mindanao.
02:10Wala pang tanghali, mahigit 3,000 na mga pasahero dito sa Batangasport.
02:14Mas marami yan kumpara noong nakarang taon na mahigit 3,000 rin ang biyahero pero buong araw na yun.
02:20Isang indikasyon daw ito ayon sa PPA na mas marami ang nag-commute ngayon.
02:24Pero sa rami ng mga sabay-sabay na nag-uuwian,
02:26ang ikipag-unahan ng ilan sa mga pampasaherong bus paluwas ng Maynila.
02:30Medyo magulo siya kasi ano.
02:32Pumunta ako dyan sa...
02:34Nandun ako kanina eh, tiling na ako kung saan yung dulo ng pila na para papundi.
02:37Nahanap ko hindi ko siya makita eh.
02:38Kasi yun yan, para na ngayon, nagiging unahan yung pila.
02:48Pia, ngayong alasais ng gabi, inaasahan yung pagdating pa noong ilang mga trips dito.
02:54Kaya mamaya pa ulit dadagsa yung mga pasahero dito sa Batangasport.
02:58Laya mula rito sa Batangas, Bama Legre, nakatutok 24 oras.
03:02Maraming salamat, Bama Legre.
03:04Sa North Luzon Expressway, nagsimula ng kumapal ang volume ng mga sasakyan.
03:10Silipin natin ang sitwasyon doon sa live na pagtutok ni Dano Tincuco.
03:14Dano!
03:19Ivan, buong umaga nga ngayong linggo ng pagkabuhay, maluwag ang daloy ng trapiko dito sa North Luzon Expressway.
03:25Pero dahil ngayong araw ang inaasahang pagluwas at pag-uwi ng mga nagbakasyon sa norte,
03:31hapon nagbigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng NLEX.
03:38Maluwag ang trapiko sa northbound at southbound ng North Luzon Expressway kaninang umaga.
03:43Sa Bukawetol Plaza, nakaraniwang dagsa ang motorista, maluwag din hanggang pasado tanghali.
03:49Bandang alas 3 ng hapon, nagsimulang bumigat ang trapiko sa bahagi ng Apalit, San Simon, Candaba sa Pampanga at Santa
03:56Rita, Giginto sa Bulacan.
03:58Nagtalaga na ng counterflow lanes ang NLEX sa southbound lane mula Daung hanggang San Fernando,
04:04Balagtas, Tambubong hanggang Bukawe at Bukawe, Pabalintawak.
04:08Para rin iiwas sa beriya, may libreng towing hanggang bukas ng alas 6 ng umaga.
04:13Para iiwas traffic, ang mga mula sa Dagupan City maagang lumuwas.
04:18Sana hindi po traffic and for sure madami pong nagbibiyahe ngayon kasi pabalik na po lahat ng mga bumiyahe ng
04:27Holy Week.
04:28Padagsana po yung mga pasahero natin, pabalik ng Maynila.
04:32Kaya yung mga minamahal naming mga pasahero, agapan nyo na lang po yung pagdating sa terminal.
04:38Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PTEX, nagsisimula na rin magdatingan ng mga pasahero.
04:44Sa tala ng pamunawa ng PTEX, kaninang alas 2 ng hapon, halos 90,000 mga pasahero ang dumating sa terminal.
04:51Naka-reserve kami.
04:53Apo.
04:54So, hindi naman po mahirap.
04:56Hindi po masyado, unlike na dati, marami yung bus pero po ngayon hindi.
05:02Kaya halos ilan lang yung bus punuan.
05:06Dumating ako dito ng mga 2 o'clock na kumuha kagad ako ng ticket.
05:10Madali lang ho.
05:12Marami na rin pasahero ang nagabang ng bus sa BFCT East Metro Transport Terminal sa Marikina City.
05:18Matumal naman ang dating ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City at isang bus terminal sa
05:25Maynila.
05:26Ang LTFRB patuloy naman ang inspeksyon sa mga sasakyan para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
05:38At Ivan, traffic update lang tayo dun sa mga gagamit ng NLEX pa uwing.
05:43Kung hindi ngayon, e mamaya, medyo mabigat na ang daloy ng trafico sa southbound lane.
05:49Mula yan sa bahagi ng Angeles hanggang Mexico at San Fernando, Pampanga.
05:55Medyo luluwag ng konti pero bibigat ulit yan mula pulilan.
05:59Derederecho na yan hanggang Bukawetol Plaza pero maluwag na pagkatapos niyan.
06:04Balik sa Ivan.
06:05Maraming salamat, Dano Tingcunco.
06:09Nakapagtala po na mas maraming turistang dumayo sa Boracay ngayong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.
06:15At yan po ang tinutukan ni Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:22Buhay na buhay ang beachfront ng Boracay ngayong linggo ng pagkabuhaya.
06:27Humabol sa pagsiswimming sa lagat at iba pang water activities sa mga turista.
06:32Nagustuhan ng mga bata na maglagoy-lagoy sila dito sa Boracay dahil dito ay napakaganda.
06:38Simula pa kahapon, dagsa na sa Kagban Jetty Port ang mga turista ang pauwi mula sa vakasyon sa isla.
06:44Nag-enjoy kami sa tubig.
06:46Amiling baguets ano?
06:47Always child at heart.
06:49I suggest magkahan mag-anais mga one week o mahigit.
06:54Ayon sa Malay Tourism, mula sa 53,000 tourist arrivals na naitala sa Semana Santa 2025,
06:59maigit 56,000 ang mga turista sa Boracay mula nitong Palm Sunday hanggang Holy Saturday.
07:07Di pa kasama sa bilang ang 1,500 ng mga turistang lulan ng international cruise ship na dumaaw sa Boracay
07:14kahapon April 4.
07:15Karamihan ay Chinese nationals.
07:18Ayon sa Malay Police, generally peaceful ang Holy Week sa Boracay.
07:23Mga pity crimes, mga bata manageable, wala tayong mga significant event o drowning incident na nangyayari.
07:35Mula sa GMA Regional TV, Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
07:42Ngayong tapos na ang pag-aayuno at pag-iwas sa karne.
07:45Dahil sa Semana Santa, pinilahan ang mga nagtitinda ng lechon sa Talisay City sa Cebu.
07:51Ayos ang mga nagtitinda sa Lechon Park sa poblasyon, umabot sa 30 hanggang 40 lechon ang kanilang naibenta ngayong araw.
07:59Sanay na raw sila sa nagsang ito dahil ngayong Easter Sunday, bumawi sa pagkain ng karning baboy ang mga iniwasan
08:05nito noong Lenten season.
08:06Perfect spot din daw ang kanilang pwesto na malapit sa isang public beach.
08:16Nahulog mula sa talon ng Sitio Cantalina sa Amlan Negros Oriental ang isang lalaki kahapon.
08:21Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office, bumagsak siya sa mabatong bahagi ng talon.
08:26Inabot ng labing dalawang oras ang pag-rescue sa biktima mula sa pinagbagsakan niya, gamit ang lubid bago siya nadala
08:32sa ospital.
08:33Hindi pa'y dinetalyan ang mga otoridad kung paano siya nahulog.
08:36Ang masayasanang outing ng isang barkada sa Nabuangan River sa corner Apayaw nitong Sabado de Gloria na uwi sa disgrasya
08:44ng malunod ang isa sa kanilang kaibigan.
08:47Nagpasaklolo sila sa mga bumbero para mahanap ang lalaking biktima.
08:50Nang matagpuan siya, binigyan siya ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR at isinugod sa ospital.
08:57Ayon sa respondeng bumbero at sa pulisya, nasawi ang biktima.
09:00Sa tala ng Philippine Coast Guard o PCG, 37 insidente ng pagkalunod ang naitala nila sa buong bansa simula March
09:0728.
09:08Ang numero ngayon simula noong March 28 ay halos kalahate ang ibinaba compared of last year na halos 53.
09:16So malaki pong ibinaba ngayon ng ating mga insidente na tatanggap po.
09:21Nagpaalala ang PCG para iwas lunod.
09:24Huwag po tayo po ay nakayom ng ala, huwag po tayong nalangoy at again, bantayan po palagi ang ating mga
09:29anak pag sila po ay pumupunta sa dagat or even sa mga swimming pool po.
09:33Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
09:42Inatake ng dikya ang nasa halos 60 individual na naliligo sa dagat sa bahagi ng Tondaligan Beach sa Dagupan City.
09:50Lima sa kanilang dinala sa pagamutan.
09:52Agad binigyan ang paunang luna sa mga biktima na ang ilan, nagsuka at nahirapang huminga.
09:58Dahil sa insidente, pansamantalang pinagbawalan ng mga beachgoer na maligo sa dagat.
10:02Sa kaling makapitan ng dikya, paya ng Philippine Red Cross, agad tumawag ng tulong sa mga otoridad para malunasan depende
10:08sa uri ng kumapit na dikya.
10:14Si Inulubong at ipinagdiwang sa mga probinsya ang Pasko na muling pagkabuhay ni Jesus.
10:19Katarungan at kapayapaan sa gitna ng gyera sa Middle East, ang panawagan ng simbahang katolika.
10:25Nakatutok si Bama Legre.
10:31Pinatunog ng kampana ng Holy Trinity Parish sa Loay Bohol sa pagdiriwang ng Pasko ng pagkabuhay.
10:37Nagdaos ng misa at pagsasadula ng salubong o ang pagkikita ni Jesus at Birhing Maria.
10:43Tuwing Semana Santa, inaabangan sa bayan ng Loay ang hugos kung saan tampukang isang heganting pelikan.
10:48Pagkatapos itong tukain ang sariling tiyan, may dalawang anghel nalilitaw.
10:52Ang unang anghel, aalisin ng itim na belo ni Maria, habang ang ikalawang anghel, papalitan ito ng corona.
11:00Mga batang nakabihis anghel at nag-alay ng mga awit ang nanguna sa salubong sa Lawag City, Locos Norte,
11:08Coronadal City,
11:11at sa Malbataan.
11:13Sa Cebu, may mga pagtatanghal para sa pagdiriwang ng Pasko ng pagkabuhay.
11:16Kabilang riyan ang pagsasadula sa pagkabuhay ni Jesus at sayaw ng ilang mga nakabihis anghel.
11:21Ngayong Easter Sunday, hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipinong nagdiriwang na muling pagkabuhay ni Jesus
11:27na magkaisa at piliin ang pagiging mabuti.
11:30Dahil kapag nagkaisa raw ang mga Pilipino na ginagabayan ang pananampalataya at pagmamahal sa bansa,
11:35malalagpasan daw natin ang lahat ng hamon.
11:38Mensahe naman sa mga deboto ni Pope Leo XIV nitong bisperas ng Pasko ng pagkabuhay,
11:43huwag maparalisa o masanay sa mga kaguluhan nangyayari sa mundo.
11:47Dapat daw gamitin natin ehemplo ang mga santo na lumaban para sa hostisya.
11:52Inanyayahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Alvincula
11:55ang mga katoliko na labanan ng mga puot at galit sa gitna ng gulo sa Middle East.
11:59Pati ang pagtanggi sa anihay globalization of indifference at ang normalization ng genocide.
12:04Umapila siya sa pananagutan, walang humpay na paghangad ng hostisya at agarang aksyon para mapawi ang paghihirap ng mga tao.
12:11Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
12:19Easter time is family time para sa Dantes family na magkakasamang nagnilay ngayong Pasko ng pagkabuhay.
12:25Sa post ni Ding Dong Dantes, sinabi niya na tila nagiging isang Easter tradition na nila
12:30ang pagsulat ng kanika nila mga pangarap at tasal.
12:33Ang mga ito raw ay para sa sarili nila, para sa isa't isa at para sa buong mundo.
12:38Bukod sa usapang broccoli at pagiging healthy, wish daw ng isa sa kanilang mga anak na tumigil na ang gyera.
12:45Pero pinakatumatak daw ang pasasalamat ni Nazia at Sixto sa mga sakripisyo ni Nina Ding Dong at Marian.
12:52Dahil dito, narealize daw ni Ding Dong na mahalagang iwanan ang mga nagpapabigat sa buhay at magkaroon ng pananampalataya.
13:02Samantala from the beach to urban escapades abroad, sinulit ng ilang kapuso ang kanilang holy week break.
13:08Silipin niyan sa chika ni Aubrey Carampel.
13:13Good view, good food, at good company ang beach trip ni Kaylin Alcantara sa isang private island resort sa Palawan.
13:22Nagbahagi si Kaylin ang kanyang mga photo by the beach.
13:25Extra magical din ang kanyang dinner by the sea at sa ilalim na mga bituin.
13:30May quick BKK escape naman si PBB Celebrity Collab 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano.
13:38Nagpost si Caprice ng mga larawan niya sa Bangkok, Thailand.
13:42Nag-Soul South Korea naman ang PBB Celebrity Collab 2.0 housemates na si Kapuso 3rd Big Placer Ashley Sarmiento
13:50at Ray Victoria.
13:52It's giving high school vibes ang couple outfit ng dalawa.
13:57Enjoying the Japan vibes naman si Sangre Amihan Kylie Padilla.
14:01May strawberry picking bonding pa sila ng kanyang mga anak.
14:05At naglibot sa iba pang local places sa Land of the Rising Sun.
14:10Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
14:15And that's my chika this Easter Sunday. Ako po si Nelson Kalas. Happy Easter, Pia, Ivan.
14:23Happy Easter, Nelson.
14:24Thank you, Nelson.
14:26Peace,
14:27y'all.
14:28You
Comments