00:00Penitensya pa rin ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
00:04Asahan ang hanggang 21 pesos na taas presyo sa kada litro ng diesel.
00:10Magmamahal din ang gasolina.
00:12At nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Tuloy ang penitensya ng mga motorista sa susunod na linggo.
00:21Hanggang 21 pesos ang tinatayang dagdag presyo sa kada litro ng diesel
00:26sa round 5 ng malakiang taas singil sa Martes.
00:30Hanggang 7 pesos and 50 centavos naman sa gasolina.
00:34Ayon yan sa oil industry sources.
00:36Ibig sabihin, posibleng lang sumampa ng lagpas 170 pesos per liter ang diesel.
00:43120 pesos naman sa ilang brand ng gasolina.
00:46Nakaabang pa ang publiko sa detalya ng pakikipag-usap ni Foreign Affairs Secretary
00:51Teresa Lazaro kay Iranian Foreign Minister Syed Abbas Aragchi.
00:56Ang tiniyak sa ngayon ni Aragchi, papayagan ng Iran ang pagdaan sa Strait of Hormuz
01:01ng Philippine-flagged vessels, pati ng mga energy source ng bansa at mga tripulanting Pilipino.
01:08Inaalam pa kung maisasama rin sa padadaanin ang mga barko ng ibang bansa na may tripulanting Pilipino.
01:15Hindi lang sa Pilipinas lubhang mahalaga ang papel ng Strait of Hormuz sa pagbiyahe ng krudo,
01:21kundi sa marami pang bansa sa buong mundo.
01:23Sa datot ng United Nations Trade and Development, mula February 1 hanggang 27,
01:30tinatayang sandaan at dalawampu't siyam na barko ang dumaraan araw-araw sa Strait of Hormuz.
01:36Pero mula February 28, ang araw kung kailan sumikla mangyera, bumaba na yan sa walumput isa at patuloy pang nababawasan.
01:44Pinuri ni President Pro Tempore Panfilo Ping Lakson ang naselyo ang kasunduan ng Pilipinas at Iran,
01:51lalo't 80-100% ng ating oil imports ang dumaraan aaniya roon.
01:57Sinigundahan niya ni Sen. Sherwin Gatchalian,
02:00ang chairperson ng Senate Protect o Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy Committee.
02:08Nauna na rin iminongkaya ni Gatchalian na mag-grasyon o limitahan na ang ibibentang langis kada customer.
02:15Pwede aliang damihan ang grasyon sa public transport.
02:19At exempted ang frontliner tulad ng mga ambulansya, pulisya at mga bumbero.
02:24As early as now, mag-grasyon na tayo para ma-extend natin from 51 days kung kaya ma-extend yan
02:30to another 90 days or even longer.
02:33Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.
02:38Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.
Comments