Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
DSWD, patuloy ang pamamahagi ng P5,000 cash relief assistance sa mga delivery rider sa Metro Manila | ulat ni Elijah Canlas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD sa mga PUV drivers sa Quezon City.
00:07Pagtitiyak ng pamahalaan, mabibigyan ang lahat ng kwalifikadong transport workers na apektado ng taas presyo ng langis.
00:15Nagbabalik si Elijah Canlas sa Sentro ng Balita.
00:21Patuloy ang pag-arangkada ng Department of Social Welfare and Development para sa ikaapat na araw ng pamamahagi ng cash
00:28relief assistance
00:29sa mga PUV drivers.
00:31Ngayong araw kasi ang ikalawang araw ng pamamahagi ng 5,000 piso ng cash aid para sa ating mga kababayang
00:37delivery rider.
00:38Dito sa Quezon Memorial Circle, target na maabot ngayong araw ang mga rider na ang apelido ay nagsisimula sa letrang
00:44J hanggang R.
00:46Abala sa pagbisita si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga itinalagang payout hubs para masiguro na maayos at mabilis
00:54ang daloy ng serbisyo para sa masa.
00:56Kahapon ay nakipagpulong din siya sa ilang mga TNCs para linawin kung bakit kulang ang initial list ng mga TNVS
01:03drivers na inaabot sa kanila.
01:06Layunin ang kalihim na makonsulta at maagap na alamin ang anumang problema ang kinahaharap ng mga beneficaryo sa aktwal na
01:13proseso.
01:14Isa sa mga maagang pumila ay ang estudyanteng si June Ray na pinagsasabay ang pag-aaral at pagde-deliver para
01:20makapagtapos.
01:21Kahit konti mahaba po yung pila, marami pong table po kasi, ayun po yung malaking bagay po.
01:27Kaya yung pila po, nakatulong po siya para kumunti yung pila po, kahit pa paano.
01:33Kasi sa dami po nag-gasis po dito ngayon, over 70 po ata ang table at nag-gasis po ngayon,
01:38kaya okay po, maganda po para po sa akin.
01:40Malaking tulong daw sa kaniya ang natanggap niyang cash aid.
01:43Tulong po siya ng malaki po kasi sa taas nga po ng gas po ngayon, kasi nagpagas po kagabi, umabot
01:50po siya 9.93 po per liter po.
01:53And then, yun po, malaking bagay po siya kasi yung pero po na imbis na pang take home ko na
01:59po siya, yung assistance po ngayon, napang papagas po na po siya ngayon.
02:04Sa ilalim ng mekanismo ng kagawaran, kailangan lamang ipresenta ang original driver's license at isang photocopy nito sa verification desk
02:12para agad makuha ang ayuda.
02:14Pero, paano kung wala ang iyong pangalan sa official na master list?
02:18Ito ang pinakamadalas na katanungan ng ilang mga PUV drivers na pumunta rito sa Quezon Memorial Circle.
02:24Ayon sa LTFRB at DSWD, may nakalaang special payout schedule ang kagawaran para sa mga PUV drivers na hindi pa
02:33kabilang sa kasalukuyang listahan.
02:35Para naman sa veteranong rider tulad ni Jeronico, na halos isang dekada na sa kalsada, damang-dama ang bigat sa
02:42pagtaas ng presyo ng krudo sa kanilang pang-araw-araw na kita.
02:45Kaya nakahinga siya ng maluwag ng malamang kabilang siya sa tatanggap ng 5,000 mula sa DSWD.
02:51Malaki po kasi siguro mga 10 o 15 days na ang mapupunan niya na araw sa paggagas namin.
03:04Pinapayuhan ng mga driver at PUV riders na makipag-ugnayan sa kanilang mga asosasyon o tumawag sa LTFRB hotline na
03:121342 para sa validation.
03:15Sinisiguro naman ang pamahalaan na walang maiiwan na kwalipikadong transport worker sa gitanang hamon sa presyo ng produktong petrolyo.
03:23Hindi rin nagpahuli ang mesis na si Marjorie na matyagang naghintay sa kanyang asawa para masigurong may iuwing cash assistance
03:30na ilalaan nilang mag-asawa na pang-gasolina.
03:33Sa alawansa rin po tsaka full tank pag-uwe. Malaking tulong din po yun sir kasi syempre ang hirap din
03:40kumita na ngayon pera. So dapat sana lahat makatanggap.
03:45Pagtitiyak ng DSWD patuloy ang kanilang pagbabantay para masigurong ang proseso ng cash relief distribution ay mabilis at tunay na
03:54naaabot ang masa.
03:55Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.
Comments

Recommended