00:00Pagtaas ng bilang ng sunog sa Cordillera Administrative Region na itala sa unang bahagi ng taon,
00:07BFP Cordillera, nananawagan sa publiko na paigtingin ang fire safety practices.
00:13Si Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:20Naitala ang pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sunog sa Cordillera Administrative Region sa unang bahagi ng 2026.
00:28Batay sa datos ng Bureau of Fire Protection Cordillera, umabot sa 137 fire incidents ang naitala mula Enero hanggang Marso
00:382026.
00:39Halos doble kumpara sa 86 na kaso sa parehong panahon noong 2025.
00:45Ayon sa BFP, kabilang sa mga pangunahing sanhi ng sunog sa mga istruktura,
00:51ang electrical fault tulad ng loose connections at arcing, paggamit ng open fire sa pagluluto,
00:57pati na rin ang kapabayaan gaya ng naiwang kandila at maging appliances.
01:02Malaki rin umano ang naitalang bilang ng insidente ng forest at grass fires sa rehyon na inuugnay sa mga agricultural
01:09land clearing operation,
01:11paninigarilyo, kainin at iba pang gawain na may kinalaman sa mainit na panahon.
01:17Mabalin siguro ang masuroan tayo, dahil ito ay kakadwa tayo ng manalo,
01:21nga adada tayo awawagan tayo ng controlled fires, controlled fires tapno,
01:25tikastakot ornungan da, dahil ito ay rurot, nga dinaldalusan dahil ito may isang lugar,
01:31tapos tapno nalakang mabantayan da po.
01:34Pinakamataas ang naitalang insidente sa lalawigan ng Benguet na umabot sa 56,
01:39sumunod ang Mountain Province at Kalinga.
01:42Dahil dito, muling nananawagan ang BFP sa publiko na paigtingin ang pag-iingat at gawing bahagi
01:49ng araw-araw na gawain ang fire safety practices,
01:53lalo na ngayong panahon ng bakasyon at tag-init kung kailan mas mataas ang banta ng sunog.
02:21Patuloy namang isinusulong ng ahensya ang mga programang pangkaalaman at paghahanda
02:27upang mabawasan ang insidente ng sunog at maprotektakan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa rekyon.
02:34Jezril Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments