00:00Tiniyak ng Malacanang na patuloy ang pagsisikap nito para mapanatili ang paglago ng semiconductor at electronics industry sa bansa
00:06na kumikita ng humigit pumulang 3 trilyong piso kada taon at nagbibigay ng trabaho sa milyong-milyong Pilipino.
00:14Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, mahigpit na ipatutupad ng pamahalaan ang mga nakasaad sa roadmap ng industriya para mapalakas
00:22pa ang ambag nito sa ekonomiya.
00:24Anya, mahalaga mapakinabangan ng sektor dahil ito ang bumubuo ng malaking bahagi ng export ng bansa at sumusuporta sa halos
00:323 milyong manggagawa.
00:34Layunin ng roadmap na palawakin ng kakayahan ng bansa sa mas mataas na antas ng teknolohiya tulad ng integrated circuit
00:41design at advanced packaging at sa kalaunan ay magtatatag ng wafer fabrication.
Comments