00:00Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng cash relief assistance ng Department of Social Welfare and Development para sa mga TNDS driver.
00:07Apektado ng pagtaas ng presyo sa petrolyo, yun ang ulat ni J.M. Thompson.
00:13Walang patid na pagbibigay ng ayudang pinansyal ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa iba't ibang sektor,
00:22lalo na sa mga driver na lubhang apektado ng taas presyo ng produktong petrolyo.
00:27Makakatulong din kahit paano po ito. Sa lubo ng 8 days, may tutulong makakatulong po ito.
00:32Pang gasolina lang po talaga namin ito, dun sa nawawala sa amin na ano po.
00:38Dati po kasi ang pultang po namin, 1-8 lang, ngayon 3,000 na po talaga ang pultang po namin.
00:44Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng 5,000 cash assistance dito sa Quezon City ng DSWD para sa mga TNDS drivers
00:52bilang tugon sa walang tigil na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, dulot pa rin ng kaguluhan sa gitnang silangan.
01:00Tinatayang nasa 8,000 TNDS drivers ang inaasahang makatatanggap ng cash relief assistance na 5,000 piso dito sa Quezon
01:09City Circle.
01:10Well, simple lang ang requirement. Kailangan dala mo ang original driver's license, ipa-photocopy ito at pirmahan ang photocopy ng
01:19tatlong beses.
01:20Maayos naman ang sistema ang ipinatutupad dito. May verification table kung saan makikita ang number ng beneficaryo na nasa listahan
01:29at maaari nang makuha ang 5,000 pisong ayuda.
01:32Sakaling namang magkaroon ng aberya at wala ang iyong pangalan sa listahan, maaari itong idulog sa itinalagang help desk
01:40para malaman kung ano ang susunod mong hakbang para mapasama sa master list.
01:46Ang listahan na mayroon ng DSWD ay galing at verifikado ng Transport Network Companies o TNC
01:53at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
01:58Sa bayang nagaganap sa iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ngayong araw ang pamamahagi ng ayuda.
02:06Magsisimula namang palawigin pa ang pagbibigay ng Fuel Subsidy Program simula as 6 ng Abril para sa iba pang sektor.
02:14J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.