00:00Panibagong reklamo ang inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV
00:05sa 18 nagpakilalang dating sundalo at naging tauhan umano ni Zaldico.
00:10Matapos ang naunang reklamong perjury, reklamong cyber libel naman ang inihain niya ngayon sa Department of Justice.
00:17Ayon kay Trillanes, nakahanda siyang maghain ng reklamo sa kada panayam na magsasabi sila ng kasinungalingan laban sa kanya.
00:26Hinihingan pa namin ng tugon ang mga inireklamo ni Trillanes.
00:30Sinampahan din ni Trillanes ng cyber libel complaint ang mga host ng SMNI
00:35dahil sa umano'y pag-udyo at pagpapalaganap ng mga mapanirang pahayag.
00:40Hinihingan namin sila ng pahayag kaugnay niyan.
Comments