00:00Paalala po sa mga magulang, bantayang mabuti ang mga bata.
00:04Sa tawi-tawi, isang paslit ang natusok ng nail pusher sa dibdib habang naglalaro.
00:09Babala po, sensitibo ang mga larawan sa balitang ito ni Darlene Kai.
00:16Sa larawan at sa x-ray image, kita kung paano nakabaon sa kaliwang dibdib
00:22ng isang taong gulang na batang lalaki sa bunggaw tawi-tawi
00:25ang isang nail pusher, isang matalas na gamit sa paglilinis ng kuko.
00:30Sa salaysay ng magulang sa Integrated Provincial Health Office at Tawi-tawi Provincial Hospital,
00:35aminado silang hindi nabantayan ng bata na nilalaro na pala noon ang nail pusher.
00:40Accidentally, ang nangyari po, natumba yung bata and then tusok po yung left chest niya
00:47at saka nadala dito sa hospital.
00:49Mabuti na ang lagay ng bata matapos maoperahan.
00:52Ayon sa Department of Health, malaking tulong na maging maalam sa first aid,
00:56lalo sa cuts at puncture wounds.
00:59Panatilihing malinis ang palibot ng sugat, takpan ito ng malinis na tela.
01:03Kung may nakatusok, huwag itong basta tatanggalin.
01:06Kung dumudugo, i-elevate o iangat ito at lagyan ng pressure para makontrol ang pagdurugo.
01:12Dapat ding magpaturok ng bakuna sa tetanus bilang pag-iingat sa posibleng impeksyon.
01:17Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:23Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
01:26You
Comments