00:00May round 3 pa ang mega oil price hike sa susunod na linggo.
00:05Lagpas 14 pesos per liter sa diesel at lagpas 7 pesos sa gasolina,
00:10sabi ng Oil Industry Sources.
00:12Kaya posibleng raw na umabot na rin ng 100 piso ang kada litro ng gasolina.
00:17Sa gitna yan, isang gas company ang nag-anunsyo ng 5 pisong rollback sa 6 nilang gasolinahan.
00:24Ang pagbibigay naman ng ayuda sa mga tricycle driver, may problema pa rin.
00:28May report si Ian Cruz.
00:33Palaisipan pa kung hanggang kailan tatagal ang gyera sa Middle East.
00:37Kaya wala rin katiyakan kung hanggang kailan aalagwa ang presyo ng petrolyo.
00:42Dahil sa pulsa pagmahal ng petrolyo, ang mga bilihin at ang palitan ng piso kontra dolyar.
00:48Maaring sumipa ang inflation habang matamlay ang ekonomiya.
00:52Nakikita natin sa pagtaas ng presyo ng gasolina at sa pagtaas ng presyo ng iba't ibang mga bilihin,
01:00at sa gagawin na karampatang mitigation efforts ng ating monetary authorities,
01:06maaari po tayo magkaroon ng stagnant growth and higher inflation.
01:13Sa pag-ikot ni Pangulong Bongbong Marco sa isang pabrika ng mga dilata,
01:18iniutos niyang tiyaking sapat ang supply at stable ang presyo ng mga pagkain.
01:22Basta kung hindi tataas ang presyo, hanggat kaya nila.
01:28Kaya siguro mga isang buwan yung iba, baka dalawang buwan, hindi magagalaw yung presyo.
01:34Hakbang din daw para pasiglahin ang ekonomiya,
01:37ang utos ng Pangulo na ilabas ang mahigit 18 billion pesos na budget para sa mga DPWH project.
01:44May 300 million pesos na pondong sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted project
01:50at ang 2.49 billion pesos na fuel subsidy ng Department of Transportation sa huling linggo ng Marso.
01:58Ang fuel subsidy ng DOTR na layon daw na hindi naipasa sa mga commuter ang epekto ng oil price hike
02:05matapos pahintuin ng Pangulo ang mga nakakasang fare hike.
02:10Iba pa sa ayudang inilalabas ng DSWD.
02:13Sa ngayon, mga tricycle driver muna sa Metro Manila ang nabibigyan.
02:18Sa sunod na linggo naman, ang mga tsuper ng TNVS, Jeepney, Service Delivery at Motorcycle Taxi.
02:25Ayon sa DSWD, pagdating sa mga city bus drivers at mga driver ng regular na mga taxi,
02:32ang DOTR na raw ang bahala sa kanilang ayuda dahil manageable naman daw ang kanilang bilang.
02:39Kahit holiday ngayon, may sinagawa pa rin payout.
02:42Pero sa Quezon City, may mga tricycle driver pa rin hindi nakatanggap ng ayuda
02:47dahil wala sa listahan na inaayos pa ng LGU.
02:50O ayun ang makukuha namin?
02:52Nagahantay kami ng sawala, mukha na kami kawawa.
02:54So magkakaroon, magsasabit ulit kami ng alisahan sa DSWD.
02:59So inaayos na namin ito.
03:01Pero ang ama ni Shikina Quebellas na si Jimmy Gariga,
03:04na tatlong dekada ng tricycle driver, nakamataya na ang ayuda.
03:09Sobrang bigat, sir.
03:11Lalo na ngayon na dyan si Papa.
03:14Hindi niya man lang naramdaman or nakuha.
03:18No more test pa, pumila si Shikina.
03:20Para sa ama niyang March 2 pa, pabalik-balik sa ospital at naka-nasogastric tube pa.
03:26Pero kahit bitpit ang medical certificate ng ama mula sa ospital,
03:30hindi anya may abots sa kanya ang ayuda para kay Mang Jimmy.
03:33Nag-turu-turu na po kung sino pong pwedeng kakausap sa akin.
03:37Dahil nga po, si Papa ang nasa master list pero ako po yung mag-sign.
03:41Bawal daw po yun.
03:42Ayon sa DSWD, tinitiyak lang nilang mapupunta sa totoong beneficiary ang ayuda.
03:48Ang mga nagkasakit o maibang makatuwirang dahilan naman,
03:52maaari pa rin makakuha ng ayuda.
03:54Nalulungkot kami sa pangyayari.
03:55Hindi ko alam tong particular case na to.
03:57But we'll look into it on how else we can improve the system.
04:01Pinuntahan na ng DSWD ang burol ni Mang Jimmy
04:04para makuha ang mga requirement para sa burial assistance.
04:08Nabigyan din daw siya ng medical assistance noong nasa ospital pa.
04:12Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.