Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:05May nakahalong buhay na posum sa mga tindang stuffed toy sa airport gift shop sa Tasmania, Australia.
00:13Palaisipan kung paano napunta sa rock ang posum na ayon sa mga ulat ay ligtas na nailabas ng airport.
00:20Gaya ng mga kangaroo, ang posum ay isang uri ng marsupial o mga mamal na ang mga ina ay may
00:27bulsa o pouch sa katawan kung saan inaalagaan ang anak.
00:37Hindi na lang beauty and brains ang labanan sa mga pageant.
00:42Sa Negros Occidental teaser pa lang ay level of performance na ang paandar ng ilang kontesera.
00:48Pusuan na iyan sa report na ito.
01:04Pause muna ang glamour shot sa kadalagan Queen of Victoria City sa Negros Occidental.
01:11Mala action film ang pakilala sa mga kandidata.
01:14Pinagpasapasahan ang briefcase na may natatanging laman.
01:18Ang corona ng reigning queen.
01:23At sa kwentong ito, lumutang hindi lang ang kanilang ganda, kundi pati husay sa action stunts.
01:30Walang stunt director sa produksyon.
01:33Lahat ng ito nabuo sa ilalim ng vision ng mga videographer.
01:37At sa dedikasyon ng mga kandidata.
01:43Iba naman ang tapang na ipinamalas ng mga kandidata ng Diwata San Cali ng Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental.
01:51Sa temang tribo, binigyong buhay ang angas, tatag, at kakayahan ng mga kababaihan sa kanilang pamayanan.
02:02Bula sa pangingisda.
02:05Hanggang sa pagsisibak ng kahoy.
02:09Kaya rin nila ang gawaing karaniwang iniuugnay sa matitinding pagsubok sa buhay.
02:14Sa likod ng parehong produksyon ito, ang Bacolod-based team na pinangungunahan ni Jeran C. Antonio.
02:21Inabot daw ng halos labing dalawang oras para sa konsepto at kalidad ng presentasyon.
02:28Kaya hindi nakapagtatakang hinangaan ang mga ito online.
Comments

Recommended