Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng krisis sa langis, ninakawan ng gasolina ang isang tricycle sa Bulacan na kaka-full tank lang! Sa Cotabato City naman, hinoldap ang isang gasolinahan!


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Sa gitna ng krisis, sa langis, ninakawan ng gasolina ang isang tricycle sa Bulacan na kaka-full tank lang.
00:08Sa Cotabato City naman, hinolda pang isang gasolinahan ang mga nahulikam na nakawan sa spot report ni Darlene Guy.
00:18Imbis na sa gas pump, sa opisina ng gasolinahan, dumiretsyo ang magkaangkas na ito sa Cotabato City.
00:25Umalis ang rider habang ang kanyang angkas, pasimpleng pumasok.
00:30Sa loob ng opisina, nagdeklara ng hold-up ang lalaki.
00:37Nilimas ang suspect ang 8,000 pisong cash at isang cellphone.
00:42Hindi agad nakasibat ang suspect ng hindi mabuksan ng pinto.
00:55Ang krimeng miyerkulis ng hapon panangyari, kinabukasan na naisumbong sa pulisya.
01:00Nasabi po ng biktima na wala po silang security guard. Hindi din po nagagad-agad humingi ng tulong. It's because,
01:07sabi ng biktima, natakot daw siya.
01:09Tinutugis ang suspect at ang kanyang kasabwat.
01:14Hindi lang basta pinag-interesa ng isang tricycle sa harap ng kapilya sa Bukawe, Bulacan.
01:19Binalik-balikan ito ng isang lalaki at kalaunan may hawak na siyang container.
01:24Pumasok ulit sa sidecar at doon na tila umigib ng gasolina mula sa tanke ng motor.
01:29Ayon sa U-Scooper at may-ari ng tricycle na si Eduardo,
01:33nasa prayer meeting siya ng mangyari ang ginawang tila paihi sa kanyang tricycle.
01:37Hindi na nagsumbong sa mga otoridad si Eduardo,
01:40pero ipinost niya ang video online paraan niya ipaalam sa mga tao na walang pinipiling lugar ang magnanakaw.
01:47Sa Ginobatan, Albay, sinalakay ng mga pulis ang isang gas station na isang taon nang nag-ooperate
01:52pero wala palang permit mula sa Department of Energy.
01:55Duda ng pulis siya, galing sa iligal ang mga ibinibenda nitong petrolyo.
01:59Based on our information, itong gasolina station na ito ay involved sa paihi.
02:05Yung pag nanakaw sa mga, lalo na sa mga tracking, ninanakawan yung mga trucks.
02:13Mahigit 2 milyong pisong halaga ng regular gasoline at diesel ang nakumpis ka.
02:17Nakakulong ang may-ari ng gasolinahan.
02:20Ibinasura naman ang reklamo sa tatlong inaresong tauhan na hindi raw alam na iligal ang operasyon ng gas station.
02:25Darlene Ka ay nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended