00:00Samantala, maagang pumila ang ilang tricycle driver sa Caloocan para sa 5,000 piso cash aid.
00:05Paalala ng DSWD, hindi pwedeng representative lang ng benepisaryo ang kukuha ng ayuda.
00:12May unang balita live si Jomer Apresto.
00:15Jomer!
00:19Igan, good morning. Kahit holiday, tuloy ang bigayan ng 5,000 piso ayuda para sa mga tricycle driver dito sa
00:26Caloocan City.
00:28Madilim pa, marami ng tricycle driver ang nag-aabang sa payout sites sa Galino Court, Baragay 102, Caloocan o sa
00:35South Caloocan.
00:35Kahit alas 7 pa ng umaga, magsisimula ang bigayan ng ayuda sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development
00:41o DSWD.
00:42Ayon sa 50-anyos na driver na si Antonio Vellones, minabuti niyang agahan para maagaring makuha ang 5,000 piso
00:48ayuda.
00:49Pambabayad niya raw kasi ito sa upa ng bahay at kuryente bago siya pumasada.
00:53Aniya, malaki na ang naging epekto sa kanila ng pagsipa ng presyo ng gasolina.
00:57Dati kasi, nasa 700 pesos umano ang nauuwi niyang kita kung mamamasada siya ng alas 3 ng madaling araw hanggang
01:04alas 7 ng gabi.
01:05Ngayon, mahigit 80 pesos na ang kada litro ng gasolina sa kanila.
01:09Nasa 300 pesos na lang daw ang nauuwi niya para sa pamilya.
01:13Mahirap daw itong budgetin sa ngayon, lalo at mataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
01:17Mabuti na lang daw at may ilang pasahero na alam ang sitwasyon ng mga driver at nagpapasobra na lang ng
01:23pamasahe kung minsan.
01:24Ayon sa Kaloocan City Social Welfare Development Department, mahigit 3,000 tricycle drivers sa South Kaloocan ang nakakuha na ng
01:31ayuda.
01:31Mula yan sa target na mahigit 4,200 driver para sa nasabing distrito.
01:36Problema raw ng CCSWD ang mga hindi pa nakakuha ng ayuda dahil hindi pumapayag sa ngayon ng DSWD na representative
01:43lang ang kukuha ng ayuda.
01:48Kasi yun po yung nasa guidelines po ni DSWD na no-authorization, kailangan po si driver po talaga yung magtatanggap
01:55ng fuel subsidy.
01:56Kaya po hindi sila nakakakuha. Merong mga nagtasakit, merong nag-uwi ng probinsya, meron din naman po na nakikita po
02:04natin na expired na po yung license.
02:06Yung anong kulang sa gobyerno ngayon, dapat babaan na lang nila yung tax para mabawasan yung presyo ng gasolina.
02:21Igan, nagsimula ang bigaya ng ayuda kaninang alas 7 ng umaga at target matapos mamayang alas 5 ng hapon.
02:28Nakabantay naman dito sa lugar ang Kaloocan City Police Station para masiguro ang kaligtasan dito sa nasabing payout site.
02:34At yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments