00:00Hindi maaabuso, ito ang pagtitiyak ng Senado sa niratipikahang panukalang bawasan o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo,
00:11si Louisa Erispe sa sentro ng balita.
00:16Ngayong nasa Malacanang naambola kung sususpindihin o babawasan ba ang excise tax sa langis, ang Senado tiniyak na hindi magagawang
00:25samantalahin ng mga kumpanya ng langis ang panukalang batas.
00:29May pangamba kasi ang ila na tanging malalaking kumpanya lang ang kumita at hindi rin maramdaman ng publiko ang inaasahang
00:36bawas sa presyo.
00:37Pero sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, naglagay sila ng safeguards para matiyak na imbis ng mga gasolinahan, taong bayan ang
00:45makikinabang sa pagsuspinde ng naturang buwis.
00:48Naglalagay rin ng safeguards para malaman po ng ating pamalaan ng ating gobyerno kung magkano at ano po ang quantities
00:59na in-import ng mga oil players at magkano rin po o ano yung quantities sa kanilang inventaryo.
01:07Sa ilalim ng panukala, sa oras na masuspinde o bawasan ng excise tax, ang mga kumpanya ng langis kailangang magsumite
01:15ng buwan ng monitoring sa Department of Energy,
01:18magkano ang ini-import nilang petrolyo at magkano nila ito ibinibenta.
01:23Magsusumite din ang BIR at customs ng report magkano naman ang nawawala sa kita ng gobyerno kada buwan.
01:29Sa pamamagitan nito, masisiguro na walang maiipit na supply ng langis at hindi sosobrahan ang singil sa mga consumer.
01:37Sa ganitong sitwasyon na napakabilis po pagtaas ng presyo, huwag ka lang magbenta ng petrolyo, kikita ka na kaagad.
01:46Iiwan mo lang sa iyong tanke, kikita ka na kaagad.
01:49At yan ang ayaw natin mangyari dahil kung iniwan nila sa tanke yung kanilang petrolyo, wala tayong mabibili at lalong
01:57tataas ang presyo ng petrolyo.
01:58Kaya importante po na meron pong monitoring, may visibility at meron rin pong disclosure ang mga oil companies, lalo na
02:07sa presyo na ibinibili nila.
02:09Sa oras naman na suspendihin o ibaba ang buwi sa langis, inaasahang 10 piso ang mababawas sa gasolina at 6
02:17naman sa diesel.
02:18Samantala, kahit naman sinertipikahan ng Pangulo na urgent ang panukalang pag-amienda sa Biofuels Act of 2006,
02:26kung saan papayagan ang pag-iimport ng biofuels at bioethanols?
02:30Kahapon, sa huling araw ng sesyo ng Senado, hindi pa rin lumusot ang panukala.
02:36Ayon kay Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, gusto pa itong pag-aralan ng mga kapwa senador.
02:42Maraming mga farmers na affected, maraming industries, the coconut farmers, the sugar farmers, the ethanol producers, the biodiesel producers.
02:51Parang there was a lot of fear among our colleagues na ma-affected talaga sila.
02:56Tsaka malit lang naman yung mawawala sa presyo, di ba?
03:00Kasi malit lang ng blend ng biodiesel tsaka yung ethanol.
03:04So our colleagues, particularly the minority and some members of the majority, wanted a longer discussion on the floor.
03:10Sakali kasing ipatupad ito, may 400,000 magsasaka ang maaapektuhan at mawawala ng kita mula sa blending ng biofuels at
03:19bioethanols.
03:20Kaya kakailanganin pa itong busisiin kung sa pag-iimport, bababa nga ba ang presyo?
03:26In biofuels, pag nag-import ka, may blend rin siya eh.
03:33So kailangan makompute mabuti kung talagang bababa yung presyo.
03:36Handa naman ang Senado na magkaroon ng special session kahit nakabreak kung talagang kinakailangang ipasa ang panukala.
03:44Kung talagang sa pag-aaral, malaking impact sa consumers, pwede mag special session.
03:51Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.