00:27MAHALAGA AN TAMANG NUTRISYON
00:34Ang grade 3 student na si Ian, mula sa Gainza, sa Camerines Sur,
00:40masigla at masayang umaawit kasama ang kanyang mga kaklasik.
00:45Simula ng mapabilang siya sa ating Give a Gift, Feed a Child project,
00:50nadagdagan ang kanyang timbang ng 3.3 kilos,
00:54kaya't mas naging aktibo siya sa klase.
00:57Masunurin sa kama, masayahin siya. Palagi po siyang tumataas ng kamay.
01:03Bukod sa kumakainan ng masustansyang pagkain si Ian,
01:07natuturi ng kanyang ina na si Giselle,
01:10kung paano magluto ng mga pagkain na nakabubuti sa kalusugan.
01:16Isa lang si Ian, sa tatlong daang mag-aaral na kabilang sa ating isinagawang
01:21Give a Gift, Feed a Child project, napiliin natin ang mga mag-aaral ng Gainza
01:26dahil kabilang ang kanilang lugar sa napuruhan ng Bagyong Christine noong 2024.
01:33Malaki ang problema ng Pilipinas dahil karamihan ang mga mag-aaral sa mga public schools,
01:40lalo na sa malalayong probinsya tulad ng Camarines Sur at saka ng Bicolantia region,
01:48ay malnourished.
01:51Ayon sa datos ng National Nutrition Council Operation Timbang Plus taong 2022,
01:58ikaanim ang probinsya ng Camarines Sur sa may mataas na bilang ng kakulangan sa nutrisyon sa Luzon.
02:06Matabos ang 120 days ng ating feeding program,
02:10nakapagtala tayo ng average weight gain na mahigit 3 kilos at average height gain na 2 centimeters.
02:19Ang commitment talaga ng Metro Bank is hindi lang pang short-term solution,
02:24pero sa panghabang-mahabang solusyon na katulad nito is food nutrition.
02:31Namahagi rin tayo ng pagkain, vitamins, regalo at laruan para sa mga bata.
02:37Maraming salamat po sa Bounty Cares at Ronald McDonald House Charities of the Philippines.
02:47Malaking porsyento ng mga Pilipino ang may tooth decay o sira sa ngipin ayon sa Department of Health.
02:55At isa sa nakikitang rason, hindi nagagabayan ng mga bata sa wastong pangangalaga sa kanilang ngipin.
03:02Kaya naman handog ng GMA Kapuso Foundation ang libreng oral care service at hygiene kits sa iba't ibang probinsya.
03:15Mula pagkabata, mulat na sa hirap ng buhay si May, na taga-Minilabak Camarinesur.
03:23Panganay sa apat ng magkakapatid si May, sa edad na labing lima.
03:28Siya na ang nagbabudget sa ipinapadalang pera ng kanyang inang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila.
03:35Dahil sakto lang sa pagkain at baon sa eskwela ang padala, kaya hindi niya mabilan ng toothbrush ang bunsong kapatid.
03:46Kaya humihiram na lang ito sa kanilang lola.
03:49Mahirap din po talaga kasi di ko na alam kung alin uunahin ko.
03:54Siyempre po, inuuna pang pagkain.
03:57Ganito rin ang sitwasyon na magkapatid na Mike at Mika na mula naman sa Ubay sa Bohol.
04:03Bukod sa naghihiraman ng toothbrush, naglalagay na lang sila ng yelo para mapawi ang masakit ng ipin.
04:12Mahal daw kasi magpagamot sa dentista.
04:15Kapos din ang kinikita ng kanilang amang construction worker na limang daan kada araw.
04:22Nilalagyan ng ice yung ano dito.
04:26Kumiyak talaga. Lalo na pag masakit na masakit talaga yung ipin nila.
04:30Kasama ang Philippine Association of Private School Dentists,
04:36nagsagawa tayo ng libreng bunot ng ngipin at fluoride varnish application
04:41sa ilalim ng Linis Lusog Kapusong Kabataan Project.
04:45Tinuruan din natin sila ng wastong pagsisipilyo, paghuhugas ng kamay,
04:51at paggamit ng siyampong pamatay kuto.
04:54Kailangan may kanya-kanya tayong gamit, lalo na ang toothbrush.
04:59Pwede tayo makakuha ng sakit kapag hiniram natin doon sa iba.
05:04At nagbigay ng hygiene kits at vitamins.
05:07Sa kabuuan, mahigit isang libo at limang daang mag-aaral
05:10ang ating natulungan sa La Union, Camarines Sur at Bohol.
05:18Para makameno sa araw-araw na gasto sa pagkain
05:22ng hindi nakokompromiso ang tamang nutrisyon,
05:26sinisigap ng ilang magulang sa Gainza, sa Camarines Sur
05:30na magtanim sa kanilang bakuran.
05:33Katuwang dyan ang inyong GMA Kapuso Foundation
05:35na namahagi ng vegetable seeds
05:38at nagturo rin para mapanatili ang kalusugan ng kanilang mga anak.
05:47Simula nang nagbigay ang GMA Kapuso Foundation
05:50ng vegetable seeds sa Gainza, Camarines Sur.
05:54Noong Hulyo, sa ilalim ng gulayan sa Bakuran Project,
05:59nagkaroon ng mga pananim si Linda
06:02na hindi lang nakatutulong sa kalusugan ng kanyang anak na si Jay,
06:07na ibebenta pa rin niya bilang pandagdag
06:10sa kanilang araw-araw na pangangailangan
06:13at kung may sobra pa, ipang bibili niya ulit ng vegetable seeds.
06:18Yung pechay, 50 kilos ang isang kilo.
06:22Binili ko ng antiltilizer, tapos saka pantanim ulit para dumami.
06:27Para di maputol, sige-sige lang kami.
06:29Pero may mga araw daw na konti ang ani dahil sa mga bagyo.
06:33Hindi kasi nakaligtas sa Super Typhoon 1 ang kanyang mga pananim.
06:39Dito na lang nakuha namin. Kahit nabagyo kami, ipagpapatuloy po namin ang pagtatanim.
06:44Bahagi ng Give a Gift, Feed a Child, ang ating gulayan sa Bakuran Project.
06:50Hangad kasi natin ang bawat bata ay magkaroon ng tamang nutrisyon.
06:54Ang gulayan sa Bakuran is to make sure na maging sustainable yung feeding program natin
07:00at magkaroon ng food security yung mga bata.
07:04Bukod sa masustansyang pagkain, may payo rin ang Nutrition Action Officer ng Gainsa
07:10para mapanatili ang kalusugan ng mga bata.
07:13Dapat may wastong tulog po yung mga bata at lalong-lalo na po at mahilig na sila sa gadgets.
07:19Masunod yung mga tamang pagkain at nutrisyon.
07:23Yung mga bata po ay lalaking healthy, matalino po, masigla at hindi antukin.
07:29At sa mga nais, makiisa sa aming mga projects,
07:33maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Luulier.
07:39Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metro Bank Credit Card.
Comments