00:00Ngayong araw, posibleng iratify ng Kongreso ang panukalang bigyan ng emergency powers ng Pangulo para suspindihin o bawasan ng Fuel
00:07Excise Tax.
00:09Isinusulong din sa Senado ang panukalang ibasura ang Oil Deregulation Law sa gitan ng Big Time Oil Price High dahil
00:15sa Ghera sa Middle East.
00:17Narito po ang aking report.
00:21Umaabot na sa mahigit sanda ang piso ang bentahan ng kada litro ng petrolyo sa ilang lugar sa Luzon.
00:28Visayas
00:30At Mindanao
00:33Mga motorista ang unang tinamaan ng matinding epekto ng taas presyo.
00:37Pero dumadalo ito sa iba't ibang industriya at sektor.
00:41Ang ilang travel agency sa Nueva Ecija umaaray dahil bukod sa pagsipan ng gastusin,
00:46halos 50% ng kanilang mga kliyente ang nagkansila ng biyahe.
00:50Sa mga natirang proyekto naman, halos lugi ang bayad dahil naibook na bago pa magmahal ang mga bilihin.
00:56Karamihan kasi sa company namin ay kapag wala kaming biyahe, wala rin silang trabaho.
01:05For example, yung mga tourbed ko, yung mga driver.
01:07Ang kahilingan po sana namin is magkaroon tayo ng price freeze sa mga basic consumer goods.
01:14At the same time, mag-regulate tayo ng petrolyo.
01:19Ayon sa Department of Trade and Industry, nakausap nila ang 21 manufacturer at may mga nangakong
01:25hindi mo na magtataas ng presyo ng ilang basic at prime commodities sa loob ng 30 araw
01:30at yung iba ay sa loob ng 60 araw.
01:34Ang Department of Energy, naghahanap na ng iba pang mapagkukunan ng langis, crude demand o refined products.
01:40Ngayong linggo, nakalinyang pagpupulong sa ibang bansa kabilang ang Amerika, Canada,
01:45mga bansa sa South America, pati Brunei, China, Russia, India at Malaysia.
01:50Yun lang nga, mas malayo sila, tsaka mas matagal ang delivery.
01:55Dinitignan po namin lahat ng options.
01:57Nag-invite na kami ng mga gustong magbenta kung sino yung mayroong supply.
02:04Meron naman pero iba-iba yung kondisyon.
02:06So inaaral pa namin kung sino dapat ang kakausapin.
02:09Sa Senate Plenary, may maikling debate kaugnay sa panukalang pagbibigay ng emergency powers
02:13kay Pangulong Bongbong Marcos para suspindihin o bawasan ang excise tax.
02:17Tinanong ni Sen. Ping Lakson kung kailan mararamdaman ang epekto nito sakaling maipatupad.
02:23Ayon sa sponsor ng panukala na si Sen. Pia Cayetano,
02:26base sa kakailangan ng monitoring,
02:28aabutin ng 30 hanggang 45 araw bago ito maramdaman sa pump price
02:32oras na ito ay ipag-utos ng Pangulo.
02:34Baka naman pwede isaan natin ng 2 weeks.
02:37After 2 weeks na nag-average siya ng $80 or more,
02:41mag-recommend na sila sa Presidente, mag-meet na yung DBCC,
02:44mag-recommend na sila sa Presidente para mas mabilis yung effect.
02:47It could reach 30 to 45 days kasi may stock na po ang mga oil companies,
02:54may nabili na sila.
02:55But as the days go on, mamomonitor naman natin yun
02:59kung paubos na yung stock nila gano'n
03:00and they're now buying without the excise tax din,
03:04then may chance naman na mas sooner mararamdaman.
03:08Sa botong 17-0, inaprobaan ito sa ikatlo at huling pagbasa.
03:12We can ask the House for a paper bicom.
03:16We can ask the House to adopt the Senate version
03:18or if they will ask us to adopt their version,
03:21depende, tignan na sa period of interpellations namin.
03:23And then thereafter, we can ratify it.
03:26Naghain na rin daw sa Senate President Tito Soto ng Panukalang Batas
03:30para ibasura ang Oil Deregulation Law
03:32at ibalik sa pamahalaan ang kapangyeryang
03:35i-regulate ang presyo ng langis sa bansa.
03:37Sa ngayon, hindi natin alam pagkano ba bili nila.
03:41Kailan nila binili?
03:43Two weeks ago? One month ago?
03:45Hindi natin alam eh.
03:47Pero kung wala yan, balik sa dati,
03:49may pakialam ang gobyerno.
03:51So if they do not agree with some of the points
03:55that we will be including in the excise tax law,
04:00then we will be forced to push for the repeal of the Oil Deregulation Law.
04:06Sinabi ng Malacanang nitong Martes na Kongreso ang magpapasya
04:10kung kinakailangang ipawalang visa ang Oil Deregulation Law.
04:14Kung maipapakita nila at mai-impluensya nila
04:18sa pamamagitan ng kanilang pagbalangkas ng batas ang ating Pangulo,
04:23lahat po na ikagaganda ng masa,
04:25hindi naman po tututulan ng Pangulo.
04:28Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:36Rafi Tima.
04:37Rafi Tima.